Welcome
Welcome to <strong>morongtambayan</strong>.
&lt;P>
You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to polst topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!&lt;br>
REGISTER TO VIEW LIVE CHAT AND NEWS SECTION&lt;P>
The views posted by MIT members on this forum does not necessarily reflects the views of this site or any other person on this forum.
&lt;P>
Although this is an unmoderated discussion group, all members should stick to substance when replying to statement specifically to Morong community. Criticizing public official is okay BUT please avoid character assassination or bashing poster's usage of grammar and spelling. For sensitive issues, you may post at Satire and Parodies section. Let's keep the forum productive and start positive discussion.

Contributors on MIT forum must NOT:
-be threatening, abusive, harassing or invasive of a person's privacy
-be sexist, racist, profane, blasphemous, homophobic or otherwise discriminatory and/or offensive;
-promote violence or advocate, condone or assist any unlawful act;
-be pornographic , sexually explicit, obscene or lewd;
&lt;P>
Etiquette:
Members should treat each other with respect, recognizing their right to freedom of opinion and expression.

MIT Liability:
We accept no liability for any material submitted by users to the Forum and we are not responsible for its content or accuracy.
&lt;P>
You, the user, agree that you are solely responsible for the content of your messages, videos, sound-bites and stills and that you will not hold us responsible for any claim based upon the appearance and/or transmission of your submission.

Any message posted on the Forum expresses only the views of the author of that message and does not necessarily reflect our views or the views of any other person on the Forum.

Any failure to remove particular material from the Forum does not constitute an endorsement or acceptance of it by us.
&lt;P>
Salamat po at mabuhay ang ating Morong!
&lt;P>
MIT Admin

Ang Pakikipagspalaran ni Super SB - Sabiong Buraot

Read, write, enjoy and keep an open mind. Post your own criticism, satire, cartoons, videos, reviews, short stories. Like it, hate it, or just don't get it. Can't take it? Just eat bibingka at our kapihan.

Postby tripko on Fri Aug 15, 2008 12:51 am


Bang rami palang karackter hane, kala ko ay si Super SB, Hipe, ...may ruon pa palang SK Skahan... hahahaha at tuta ng rating SK na ngayon ay press rep ni Super BS.
User avatar
tripko
Grade 3 Na, Abay Na Advance
 
Posts: 130
Joined: Tue Mar 18, 2008 7:37 am
Location: US Of A**

Postby juankatwiran on Fri Aug 15, 2008 1:04 am

tripko wrote:hahaha.. nakaw matutulog na naman akung naka ngite. hehehehe.. rati tayu ang hindi makatulog sa mga nag bi bingi bingihang musipyo, ngayon ak kailangan nila ng pang pa kalma.


Pasensya na po sa inyo. Masama laang pakiramdam ng may akda. Biyernes na rito at day-off na ni Super SB. Kaya Sabiong Buraot na muna siya. Hanggang ngayon ay naghahanap pa rin siya ng makakapalayang loob sa puso niya. Pag sabado't linggo tanging langit at palayan laang ang saksi sa buhay ni Sabiong.

Ay siya at magsitulog na kayo at baka mapuyat pa ay masisi pa ninyo ako pag nakg insomia kayo. Nagkataon lang na masama pakiramdam ko. Maski ako, natatawa pag nar pre preview ako. Hirap pa naman ang tumawa mag isa.

Sige.

Salamat sa pagsubay-bay nawa'y hindi kayo maumay.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 65
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Tula naman

Postby Adolfo Cruz on Sat Aug 16, 2008 5:23 pm

Katatanggap ko po lamang nitong msg na ito at hare ah nakatutuk na kaagar sa ating MIT para malamn ninyo po na marami na palang nagkikilusan patungkol sa kalagayan ng ating bayan. mas marami ay mabuti po hane.
Salamat JK - nadali na naman ng iyong malawak na kaisipan ang mga kalaban. Pahinga ka muna at magsaya sa tulang ito. Baka nakatanggap na rin ikaw.


***********************************

I dedicate this short (putol nga) tula sa mga kaiisa, kapanalig, ka-Morong na nasa listahan sa Bcc: - salamat po sa inyong pagsulat ng diritso rito at tinatawagan ko ang mga orihinal na Ningas Kugon na siya pong modelo ng bagong kilusan na ito.
TSM (Tandang Sora Morong)

************************************************
ANG TULAY NA PUTOL

Tingnan mo kaibigan, ang tulay na putol
Walang patutunguhan, alay ng pulpol
Pulitikong gahaman, puno ng suhol
Kapalarang sawi sa Morong raw ukol.

Sige ngumawa ka ng ubos lakas
Ireklamo ng husto itong mga Hudas
Kalampagin ng walang puknat mga alagar ng batas
May mapapala kaya pagrating ng bukas?

Sumunor sa panuntunan, huwag raanin sa rahas
Lahat tayo'y kumilos ayon sa Saligang Batas
Ngunit ang mga walanghiya'y raig pa ang mga ahas
Ano pa ang magagawa kung ang laban ay di patas?

Magrasal, magtiis, magdildil sa asin
Tumingin habang mga buwitre'y nanginginain
Sana'y mabilaukan, sana'y atakihin
Sa pagpatak ng luha, ito ang panalangin.

Sisikat rin ang araw sa bayan nating sinta
Masasama'y mawawala, mamamatay rin sila
Tiga Morong'y aasenso, buhay giginhawa
Kung papalpak man, sa langit may pag-asa.

Humayo ka kaibigan at iyong arukin
Ang buhay na pangarap sa likor ng dilim
Tulay na putol, iyong baybayin
Patunayan ang himala, lumakar ka sa hangin!

(Hango po sa isang nagpadala piro nilagyan ko po ng puntong Morong. With apologies to the original writer for changing some words to fit the Morong hinaing)

--
Tandang Sora Morong
Adolfo Cruz
Gumagabay Na
 
Posts: 62
Joined: Tue Mar 18, 2008 3:26 pm

Postby Pukinggay on Sat Aug 16, 2008 9:34 pm

nutribunxp wrote:mga katoto, ano kaya kung igawa natin ng play yung mga story ni Super SB tapos sa Morong Plaza gaganapin yung play hane..kaibigang sani, baka pwede mo makausap si sir jessie de jesus para siya ang mag direk..hehehe joke laang hane...baka tutuanin ninyo ay baka makulong yung buong cast ng play kasama ang direktor,abay bangkalalapit pa naman nuon sa munisipyo(katabi laang eh)..


:lol: ngay-on laang ako natutok sa mga istorya ni JK... napabalintong ako paghagikhek!!! magaling... circuitously dealt... although the situations are unswervingly brought up (at dapat lang noh!)... no names are mentioned (kaya ang tamaan ay guilty... waaah!)... ba'ay napapalakpak ako with matching tawa rine!

kaw naman 'nutri'... ay kaibigan tlga natin si sir jessie, piro yung suhestiyon mo na magdirek sya ng kuwinto ng ating 'home playwright'... ay malabong mangyari! hihihihihi... inyo na laang i-trace!

keep on writing JK... tutuong kahit riyan sa iyong panulat ay makakaantig iyan ng mga ramramin ng taong bayan... kahit me kahalong pang aliw eh para namang nananaryak sa mga taong 'involved' hehehehehe.. hindi pa ba tinatablan? ay baka kulang pa sa buyog? go go gooowww.. :lol:
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Hoy Pukngy

Postby Malditang LA on Tue Aug 19, 2008 5:37 pm

Hoy aba lintik ka (mura with love) hanap ako ng hanap sa posting mo eh kundi ko pa click ang members di ko malalaman na ikaw pala si Pukingay - gumaganda meron rin tayong Bakikang, maldita (ako) aba ay puede na tayo sa MIT Idol contest.
Umiinit nga labanan kasi pati email na nanggagaling sa iba na may mga balita ay huminto STOP at nag rereclaim(o) ang mga ibang naroon sa email - mga walang pagmamahal sa Morong at ni ayaw ma storbo ang kanilang internet - baka mai request kay Mr. Z padalhan ng virus - hindi lmang makati iyong talgang wipe out ang hard (oops) drive nila.
Sinarili kong email si Tandang Sora ng Morong - ay ang sagot nga ay pulus raw tao gmaawa ng issues ay tahimik sila raon - biruin mo tiga atin hindi alam na may mga nangyayari sa palibot?
Nawawalan na yata ako ng spirit to go on with our crusade pati iyong pldt bakit raw natin pinakikialaman. aywan kung pakulo ito ng meyor or what. Pakitanong nga sa iyong spy raon.
cg at ingat kayo riyan.

Pahabol: Syanga pala pag nagawa kayo ng palabas sa plaza ay mag a-audition ako sa papel na tsik ni meyor para maraming pira hehehehehe - joke3 meyor. 22hanin na natin!!!!
MAL-LA
Malditang LA
Gumagabay Na
 
Posts: 53
Joined: Sat May 10, 2008 9:10 am
Location: LA

Postby Pukinggay on Tue Aug 19, 2008 10:45 pm

:lol: hihihhihi.... o davah? pang masa na ang aking pseudonym waaahhhhh!!!!!!!!!! hayan ay tawag ng ating mga pupo sa atin nuong araw.. ay awan laang kung sinasabi pa rin ito sa ngay-on!

kutakot naman iyang mga tao na iyan na nagsasabi na nakikialam tayo... HELLO??? pakikialam ba ang tawag ruon? naku huh! baka hindi sila nawawal-an ng dial tone or di sila biktima ng 'unwanted bills'? di kasi nabibigyang pansin iyon sa atin... eh me mga kababayan tayo na nagrereklamo sa iba't ibang area sa ating bayan... ang sa atin laang eh bakit hindi natin pagsabay-sabayin na ang pagpaparating ng reklamo sa kinauukulan... ito ay isang inisyatibo at hakbangin na ating gagaw-in para mabigyan pansin at malutas kung saka-sakali man. walanju hane... pakialamero pa pala tawag sa atin hahahaha :lol: anyhow, uulitin ko po... KONSERN po ang eksaktong termino!!! mahirap bang esplikahin?

ayyy inakaw MLA... ay salagay magpapalista ka pa hane?
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby juankatwiran on Fri Aug 22, 2008 9:50 am

Akala nyo ba me bago ng episode?

Abangan..ilang oras na lang may lalabas na...mauunahan ko pa ang pag text mssg ni Obama ng kanyang VP.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 65
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

JK gowwww!

Postby Malditang LA on Fri Aug 22, 2008 9:59 am

JK, aba akala mo ba na minsa nai print ko pa at iang uras yata ako sa youknowhere at roon nagbabasa ay hagikhik..... hindi tuloy ma-ebak hayyyyy - inilalarawan ko na amang habang binabasa sa papel - mas maganda pala ganyun at parang Morong Komiks.

Apurahin mo na ang kabanatang bago hane? basta't ang apel ko ay panocha ni meyor...hehehehe. Talo kita Pkngy!
MAL-LA
Malditang LA
Gumagabay Na
 
Posts: 53
Joined: Sat May 10, 2008 9:10 am
Location: LA

Postby juankatwiran on Fri Aug 22, 2008 11:59 pm

Super SB the Series Late na Late na Latist Episode...

Matagal tagal rin na nawala si Sabio a.k.a Super SB…May mga kumakalat na balita na nagpunta na sa ibang bansa na si Super SB, may mga kumalat rin na mga text messages na sumapi na siya sa rebeldeng grupo na BKL Brigade (Birador ng Kaning Lamig Brigade) na kinabibilangan na rin ng kapatir niya sa Paglabas na si Super Hirap …..

Isang reliable info ang nakarating sa akin na ibinalita via Kalapati Telecoms (free sms o text messaging service sa tulong ng mga kalapati na kinakabitan ng sulat sa mga paa )…At para mas ma kumpirama ko ang totoong balita, may message rin ako na natanggap via WIMAX hindi WIFI ha..WIMAX sa pamamagitan ng usok ng mga Indian sa bundok ng basura..tama! kumpiramado na…ang Superhero ay DJ at Radio Host na?

Isang nakakagulat na balita ang nakarating sa akin nang mabalitaan ko ito. Nagsimula na siyang maging Radio Host sa isang bagong bukas na campus radio sa ating bayan.

Nagkapirmahan na pala sila ng….teka hindi MOA ha..contract CONTRACT sa kolehiyong nabanggit.. Kung noon ay usap usapan na ang pagpasok ni Sabio sa pagbubukas ng programa niya sa radio, ngayon nasa airwaves na…

Nahagilap ko si Super SB sa kanyang headquarters sa may raang bayan. Naunahan ko ang RSG na makapanayam ang ating astig na Superhero…o Super hero ng SB? Anyway huwag na magpatumpik tumpik pa at simulan na ang interview:

Ito ang transcripts ng aking exclusive interview:

JK: Magandang araw sa iyo Super SB.

SB: Huwag na Super SB itawag mo, DJ Sabio na laang para may dating. Para naman tau-tauhan ako ng mga SBs at nina Punong Bayar…

JK: Bakit? Kinakahiya mo na ba ang pagiging superhero?

SB: Ah, hindi naman. Low profile laang muna. Medyo mahina lagayan eheste lagay sa aking bilang superhero eh. E rito sa radio, medio konting voice modulation lang eh gwapo at macho na dating, boses ko pa lang yan ha?…ehem..(ala Rod Navarro ang banaaaaat)

JK: Paano ka naman magiging low profile rito eh me regular time slot ka na rito?

SB: Ehem, ah eh alam mo eh tayo naman eh low profile dito kase hindi naman ako lumilipad na superhero..byahe nga alang ako pag responde sa mga kababayan natin sa Sintang Inang Bayan eh, minsan pa nga ay nakikipara lang ako sa mga kakilala..e pag dito mas low profile, kase….eh alam mo na boses ko ang lumilipad sa airrrr wavesssss!...siempre mas maraming magiging koleksyon..hmmmm.

JK: Koleksyon ng pera?

SB: Pera? Ako mangongolekta ng pera? Aba aba, hindi naman ako ganyan. Admirers ang kokolektahin ko…Yung mga pera na yan..ugat ng mga ka demonyohan yan..dami na sa ating demonyo, ayon at karamihan ay mga nakaupo, kukyakuyakoy at pinapasweldo ng mga mamamayan ng ating Sintang Inang Bayan ayoko na maragrag. Sa simula pa ay hindi ako nangongolekta ng pera..yun ay tawag ko ay donation..take note DONATION.

JK: Talaga laang ha? Aba teka nga pala, ano naman ang title ng Program mo?

SB: Aba, buti natanong mo? Ang title nito ay “DJ Sabio: Sa Sobre o Bayong or SSB”. Maganda di ba?

JK: Hmm. Malaman nga ang title. Me sobre ba naman eh may bayong pa. Akala ko po yung SSB o Sa Sanggano mo Bigay….

SB: Hindi naman ganoon..para namang masyadong me bahid pulitika ang titulong ganon. Ayoko ma associate sa kanila kawawa na nga ang ating Sintang Inang Bayan eh.

JK: Ay ano naman po ang lalamanin ng sobre, pera ba?

SB: Hindi naman, dito SOBRE ang sumisimbolo sa sulat ng mga listener, mga requests, pray overs, reklamo, love letters, pagbati etc..at ang BAYONG naman ay para sa mga donasyon para sa mga cause oriented projects tulad ng mga pagpapatayo ng mga simbahan sa Lagundi at marami pang iba. Panghakot ng sponsors at para sa mga paid political ads.

JK: Ahhh..maganda naman pala. Pero teka simbahan sa Lagundi? Aba’y bantagal noon na me nagso solicit sa amin noon ah me mga naglalakar lakar noon na me dala dalang sobre at para pagpapagawa ng simbahan sa Lagundi…nagka asawa nga po ako may nanghihingi pa rin ng abuloy sa bahay naming para riyan at hanggang ngayon ba ay hindi pa buo?

SB: Ah eh, ganun ba? May nakisuyo laang sa akin kase na para daw dun…pero basta marami. Tsaka, me go signal na ako mula sa Pamahalaang Pa BaYa natin. Sabi ng pamunuan daw ay may pagkakakitaan naman raw itong programa ko sa radio kaya GO GO GO. Ok dib a? Saludo talaga ako sa pamunuan nila.

JK: Ahh, eh akala ko ba walang money na involve?

SB: Hindi naman lagayan ang tinutukoy nila…ito ay para sa mga sponsors sa program ko. Sa program ko I po promote ang mga GIGANTIC projects nila tulad ng Pink X-perts Rhum Blue Green and Yellow projects daw ito. Makakatulong daw ito ng malaki sa ating Sintang Inang Bayan sa pamamagitan ng kuryinte, mabaho… eheste trabaho pala, basura eheste pira pala, at ito ang anti-Global Warming projects ng Pamahalaang (pa) Baya(N) natin.

JK: Wow ASTIG!

SB: Astig talaga. Ayos na nga mga buto-buto. Nabanggit nga sa akin ng pamunuan na mabibigyan na ng trabaho ang mga sumusunod na tao sa kanya as in taga SUNOD sa kanya:

Bag Man – ito yung kilala tuwing eleksyon. May dala dalang mga epektos sa mga barangay na pamumurmuran ng grasya ng mga kagalang-galang at mga butihing politiko. Siya ang nagbabagsak ng mga droga at pananalapi sa mga buraot guys o mga taong parasitiko sa mga bara-barangay. Kaya pag malapit na eleksyon Medical Representative na naman ang rating niya, namimigay ng gamot sa mga buraot guys.

Buraot Guys at Los Parasitos – mga mamamayang walang ginawa kundi huthutan ang mga kanditatong tumatakbo tuwing eleksyon.

Pa Ka – sila yung mga patakbuhing kandidato. Mga bayarang kandidato para laang bumasag ng boto. Kahit anong posisyon pwede.

Ka Fermin – ito ang pulitko ng perming nangraraya sa eleksyon dahil sa guns, goons, gold and drugs. Lagi itong nananalo.

BUTODA – sila ang mga nag re represent sa mga bulok na drivers/operators association. Madalas pagkunan ng boto ni Fermin at bagsakan ni Bag Man ng mga grasya pag eleksyon.

Ang mga ito daw ang mga magiging ipapa prioridad pagdating sa pag aapply ng trabaho sa naturang project. Ang mga aplikanteng manggagaling sa mga kalaban nila sa pulitika o hindi sumuporta sa kanila ay kailangan pa dumaan sa SB Resolution o Sobre o Bayong Resolution…na kailangan pa nila na lalagdaan, pag-aaralan at pagbobotohan ng mga kasapi ng Sangganohang Baryahan ng Sintang Inang Bayan.

JK: Wow, nakaka impress ang mga paliwanag mo DJ SaBio (Sabiong Buraot) . DJ na Super SB pa. Parang taga pagsalita ka na ata nila ah.

SB: Maayos naman kase ang paliwanag ng mga pinuno natin sa akin. Ayoko lang talaga ang style ng pagpapaliwanag ni Konsehal Bulaklak, pag siya kase ang bumabanat ay ako’y nalulula at nahihilo, maigeng maige sana kung nakakainom ako ng Bonamin isang oras bago ko siya kausapin o magsalita.

JK: Ay kalian po ba magsisimula ang programa ninyo?

SB: Aba’y Good News!!! Sa Araw ng mga patay November 1, 2008, ang launching ng programa ko. Ito kase ang pinili kong araw kase tiyak maraming makikinig sa mga kababayan natin kase holiday. Ilang araw sila bakasyon. Pati mga pulis natin ay malamang gaganahang mangotong…eheste magbantay habang nakikinig sila sa mga iPhones nila while tune in sila sa super program ko.

JK: Wala po ba kayong test broadcast?

SB: Meron, malapit na. Malamang sa mga susunod na araw. Yung mga transcripts ng programs ko ay I po post ko sa MIT. Exclusive lang sa MIT. Kung gusto ng RSG, mapag-uusapan naman iyan. Para exclusive rin sa RSG.

JK: Ngek! Pwde pa bang exclusive yun kung parehong RSG at MIT I po post yun?

SB: Basta ok na yon.

JK: Sige po at ibenta…eheste imbitahan pala ninyo ang mga suki natin para sa darating ninyong radio program.

SB: Mga kababayan ko sa SIntang Inang Bayan, kayo po ay inaanyayahan ko na makinig sa bago kong programang pimamagatang
“DJ Sabio: Sa Sobre o Bayong” – maririnig tuwing ika alas dose ng tanghali at alas dose ng hating gab-eh. ..ipihit lang po sa inyong talapihitan ng radio.

JK: Maraming salamat pos a oras niyo DJ SB.

SB: Maraming salamat din sa iyo. Ito ay alay ko sa ating Sintang Inang Bayan. At maraming salamat rin po sa mga nag sponsor at mag I isponsonsor ito po ay ang mga sumusunor:

TFC Fried Chicken (Tupada Fried Chicken) – Where quality is our priority. Now available nationwide and tabi-tabi. Visit our new branch in Paglabas Arena.

Stay at Home Beauty Salon - For Man and Women, for richer and poorer, for sicknes and in health, til you stay at home for the rest of your life.

Kuldoroy Briefs and Panties – Dare to be different!

No Sole Shoes – Run all you life with state of the Zero Sole Shoes.

I-Fish Crackers – Experience the unforgettable taste of crackers.

Roll - on Eye Cleaner – Your protection against conjunctivitis and pollutants.

Pamada Gel – Ang Gel na amoy pamada.

Purapot Cement - Ang sementong may scent.

JK: Salamat po. Maraming salamat rin po sa mga naging sponsors ni DJ SB.

Sana po ay magustuhan ninyo ang resulta ng aking pakikipanayam kay Super SB…DJ SB.

For comments and suggestions you send me messages thru my Kalapati Telecoms simcard.

Hanggang sa muli.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 65
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby nutribunxp on Sat Aug 23, 2008 1:17 am

ayos na naman ang kwento mo JK...ako'y natawa aba...at tiyak pag nabasa na naman iyan ng mga readers mo ay maliligayahan na naman sila..saan mo ba napaghuhukay yaang mga ideyang iyan sa iyung pag kwento...hindi ka ba writer sa isang komiks noong araw?...hindi ka ba scriptwriter?...

mga katoto, pag-aralan natin na igawa ng parang komiks ang Pakikipagsapalaran ni Super SB a.k.a Sabiong Buraot,DJ SB...
nutribunxp
Gumagabay Na
 
Posts: 52
Joined: Tue Jul 29, 2008 7:59 pm

Postby juankatwiran on Sat Aug 23, 2008 1:50 am

nutribunxp wrote:ayos na naman ang kwento mo JK...ako'y natawa aba...at tiyak pag nabasa na naman iyan ng mga readers mo ay maliligayahan na naman sila..saan mo ba napaghuhukay yaang mga ideyang iyan sa iyung pag kwento...hindi ka ba writer sa isang komiks noong araw?...hindi ka ba scriptwriter?...

mga katoto, pag-aralan natin na igawa ng parang komiks ang Pakikipagsapalaran ni Super SB a.k.a Sabiong Buraot,DJ SB...


+++++++++++

nakaw nutribun, ako nga mismo ay natatawang mag-isa habang tina type ko story na yan. Lalo ng dun sa mga part ng sponsors...all time favorite ko ang mga yan..lalo na yung Purapot Cement - ang cement na may scent...PANALO!
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 65
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby Pukinggay on Sat Aug 23, 2008 10:56 pm

pakisama na rin sa sponsors mo SB yung underlines ko - Pukinggay's Intimate Apparels; introducing our latest leather socks / stockings and lambat braziere

waaahhhh bangsaya!!!
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby StonyDDM on Mon Sep 08, 2008 3:27 pm

ipagrasal na lang natin... (muna)
ayaw ni St.Jerome ng Ganyanan hehe...
Political will lang at Moral values isaisip
kapakanan ng LAHAT... as in LAHAT! di lang ng iilan.
iisang bangka tayo.. binubutas nyo pa...
arakibot ay siste..

"You can take me out of Morong
but you can't take Morong out of me!"
User avatar
StonyDDM
1st Trimester
 
Posts: 12
Joined: Fri Apr 04, 2008 3:52 pm
Location: Tiga Paglabas po!

Postby StonyDDM on Mon Sep 08, 2008 3:28 pm

nakaka ngiti na nakaka lungkot (hirap pagsamahin)
arakibot ay siste..

"You can take me out of Morong
but you can't take Morong out of me!"
User avatar
StonyDDM
1st Trimester
 
Posts: 12
Joined: Fri Apr 04, 2008 3:52 pm
Location: Tiga Paglabas po!

Postby juankatwiran on Mon Sep 08, 2008 7:27 pm

StonyDDM wrote:ipagrasal na lang natin... (muna)
ayaw ni St.Jerome ng Ganyanan hehe...
Political will lang at Moral values isaisip
kapakanan ng LAHAT... as in LAHAT! di lang ng iilan.
iisang bangka tayo.. binubutas nyo pa...


Ipagrasal na lang natin...
Pasensya na, pano kung patay na kami kakarasal..sino magtutuloy ng rasal namin sa kanila? Aber?

Ayaw ni St. Jerome ng Ganyanan hehe...
Masarap ba ang pakiramdam ng niloloko ng mga pinuno ng bayan tapos puro pasarap lang sila ng buhay tapos kami ang nagdurusa? Ni hindi man lang nakunsulta ang mga tao sa mga gusto nilang gawin. Kung ano na lang ba maisip nila gagawin nila? Gusto rin kaya ni St. Jerome ng ganun?

Political will lang at Moral values isaisip
Pero teka di ba dapat hindi sa amin sinasabi ito. I derekta mo na sa kanila dahil wala kaming i po political will? Meron kami moral values, kaya nga nanggigising kami ng sarap na sarap sa pagtulog sa banig ng kapangyarihan eh. O gising ka na rin at baka inantok ka kakarasal sa mga taga pamahalang bayan na hindi alam ang definition ng Political will at Moral values...hindi kase pagkakakitaan ang mga katagang iyan eh. Global warming nga hirap pa ipaliwanag. TSk.Tsk. Tsk.
Kung sino ka man, mali ang tinatahulan mo na puno. O ikaw, alam mo ba ang ibig sabihin ng Political Dynasty? Nepostism? -- alam mo ba na pwede entry Guiness na ang Rizal Province sa pahabaan ng dynasty sa pamumuno ng probinsya?

Kapakanan ng LAHAT....as in ng LAHAT! di lang ng iilan.
Paano ba dapat gawin para mabago iyon? Mag-antay na lang mahulog ang bayabas sa bunganga tulad ni Juan Tamad? Ikaw baka kaya ng prayers mo sige..hala maya't mayain mo na para maayos na. Hindo mo na alam kaya na lang nagdarasal ang mga bulok sa gobyerno ay kung paano na lang sila mabubuhay pag wala na sila sa kapangyarihan at mawawala na ang kanilang interes sa kaban-yaman. Hindi kami kasama sa mga prayers nila. Gusto ba ni St. Jerome ng mga taong makasarili at gahaman sa kapangyarihan..Hala sige maya't mayain mo na prayers haneh. Ang galing mo mangaral.

IISANG bangka tayo binubutas nyo ba...
Say what? Hindi nga kami naka abot sa bangka ninyo eh. Kayo lang mga pinasakay at dapat nga kami nakasakay sa bangkang yan inagawan lang nila kami. Hindi ko alam umabot ka pala sa bangka nila. For your information, hindi nabubutas ang bangka ninyo kundi pinupuno ng mga kasama mo ang bangka kaya kayo lumulubog. Mga buraot kase kasakay mo, pati tubig sa ilog at lawa kinakamkam pa...kaya pwede ba, huwag ka manisi sa mga tulad namin. Sila mismo ang dahilan kung bakit palubog ang bangka..Inuulit ko, huwag mo kaming sisihin..mag reflect ka rin sa sarili mo..baka kasama ka rin sa dapat sisihin.

ADIOS. Pro patria et jurem.

JUAN KATWIRAN - malas kasama sa mga napangalalan ng banal na si StonyDMM.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 65
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

PreviousNext

Return to Satire and Parodies

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron