Hayan ang ibig ko - healthy discussion. Basta lamang let's respect others opinion maski na hindi tuwer sa ating nalalamang mga issues. Ang MIT po ay malusog at maginhawang tulay sa ating pagbibigay ng hinaing at katuwirang hindi naman gawa-gawa lamang kundi tunay at nakikita namang totoo.
Hwag na po tayong mag personalan assasination hane? Bang ganda ng umpisa ng MIT ay ayaw ko pong matulad sa Ang Rampa na nagbabangay ang mga nag po post raon at hindi naman tiga Morong ay nakikidiskusyon ng hindi alam ang puno't (maski wala pang dulo).
Raon po sa mga bagong nakiki-sale sa ating magandang daloy ng diskusyon, at nakalilibang na break mula kay Super B - ay magbasa po muna kayo ng background ng aming pinag-uusapan at we-we (tyo-tayo) lamang naman ang dapat pumuna sa mga nakikta natin sa bayan natin. Iyong pong iba na hindi tiga Morong ay please po, please do not incite us to fight one another. Maglibang na lmang kayo pagbabasa at baka may matutunan pa kayo kung paano ang mga munting mga tawo ay nakikibaka sa malalaking tawo - in a non-violent way.
Napasukan na MIT ng hindi yata kakampi o ka-isa. Igalang natin ang kanyang "sermon" or comment and let us let him realized what we are asking for from the SB. Pakibasa nga po ang lahat back postings at mahihikusyon ninyo ang daloy ng aming pinag-usapan at kwentuhan rini.
Napaka simpli po. Lahat ng issues siempre may alam sila - hwag na lamang mag tahingang kawali o tahingang tapayan na kaya. Sagutin lamang. Tapos. Di malalamn namin kung kami ang mali (imposibli kasi dokumentado po namin). Malapitna iliksyon at talagang maraming ka-i-isyo ang lalabas!
Nahihirapan na nga tayo ay haggang ngay-on ay wala pang pidbak sa SB? Nakauwi na iyong nag governance di kuno, di good governance ang magpaliwanag (iyong totoo!) sa bayan. Marami namang laman ang kating-an ay di mag town hall miting sa mga Barangay at ipaliwanag ang kanilang side (sides pala at siempre lulusot eh).
Para na iyang apo ko pinag linis ng Pupo ay winalis ang mga rumi - tinaas ang linoleum at sa ilalaim nailagay ang rumi - binaba ang linoleo - voila! Linis! Ganyan po ang ating SB - eh akala naman hindi natin masisilip ang linoleo - sa rami ng rumi ay umumbok na ang linoleo. Ayos! Huli! Eh a nong ginawa nila? Ay di tinanggal ang linoleo - wala ngayong issues. Haha10x.
Ganyan kakitir ang laman ng between two ears nila. Kaya tuloy ang ating hikusyunan at hwag ng pansinin ang "sideline" komentaryo at ng di mawala tayo sa ating focus. Kailangan na si Super SB na tawagan. Sige pailawin na ang malaking sulo at itutuk sa sa langit ng makita ni Super SB.
