Para sa mga tanong kung sinong tutulong?
Isang natatangin dula ang inihahahandog ng MIT sa inyo mula sa dereksyon ng "Walang Patutunguhan Production" presents:
Super SB..ang Super Hero ng Morong
Here comes SUPER SB of Morong. Kung si Superman ay may letrang S sa diddib ang mga SB ng Morong ay meron din. letrang "SB". Kaya ano pa ang iniintay nyo? Takbo na sa kina Super SB. Ang super hero ng bayan ng Morong, nagpapatunay ng kapayapaan, kaayusan, kasaganahan, katarungan at kapanaginipan...eheste kaunlaran. Tat tatat, tatraratat, tanaanat tanananat. (Theme ng Superman ang background music)..
Lumilipad, patungo sa mga humihingi ng tulong, sumusubaybay sa mga pangangailan ng bayan. It's a bird, it's a plane..no! it's Super SB!!!
Super SB: Ano po ang maitutulong ni Super SB?
Mamamayan: Naku, talamak na po ang nakawan ng kable ng kuryente at holdapan sa San Guillermo at krimen sa bayan ng Morong. Me nasaksak po sa likod ng URS morong.
Super SB: Ah ganun ba? Humingi na po ba kayo ng tulong sa pulisya o sa barangay o sa munisipyo?
Mamamayan: Opo. Dun po sa holdapan sa San Guilmo, dumating po ang mga pulis.
Super SB: Yun naman pala eh. Ano problema dun?
Mamamayan: Eh, ang problema po alas 11 po ng umaga nangyari dumating po ang nag imbestiga alas dos o alas tres na.
Super SB: Ah eh ah...ganun ba? Ok lang yun ang mahalaga dumating ang pulis. Kayo naman, di na kayo nasanay yan ang ginagaya sa mga pelikulang Pinoy. Huli man daw ang pulis huli pa rin. Hindi ba kayo siningil sa serbisyo nila?
Mamamayan: Ngek! Ano ba yun? To serve and to charge?
Super SB: Ano pa? Yung sa kuryente, ano problema? Ano naitulong ng otoridad? Barangay? Munisipyo?
Mamamayan: Ah eh, nabigla po sila sa mga pangyayari. Surprise naman daw kase yung pag atake.
Super SB: Yun naman pala, at least binigyan pansin nila. Kayo naman, huwag kayo agad magpa panic. Nandito si Super SB para tumulong sa inyo.
Mamamayan: Ang tanong lang po ng karamamihan ay ito, me mga kriminal o magnanakaw po ba na hindi nag su surprise attack? Me nag papasabi ba muna ng ganito "Uy, mga taga San Guilmo papunta kami riyan magnanakaw kami ng kable at manghoholdap. Humanda kayo."..ganun po ba?
Super SB: Ah eh, natural mente, dapat magpapaalam muna sila para hindi na su surpresa ang mga pinuno at mga otoridad.
Mamamayan: Ngek? Dapat siguro me banda ng musiko pag dating ng mga kriminal para sila na lang ang ma surpresa kesa naman kami ang masurpresa. Pati mga paliwanag nyo Super SB nakaka surpresa.
Super SB: Yung saksakan? Ano problema dun?
Mamamayan: Problema? E bago pa mangyari yan me problema na. Nagbabala na po ang mga concern citizen dahil sa paglipana ng mga TSB gang na iyan. Wala naman ginawang action ang pamahalaan barangay at bayan. Di po ba problema yun Super SB?
Super SB: Solve na naman ang problema, ligtas na yung nasaksak at nahuli na ang suspek. Problema pa ba yun?
Mamamayan: Ngek! Di pala problema yun, e ano kaya tawag dun?
Super SB: Para sa kaalaman ng mamamayan. Nais ko ipaalam sa inyo na ang bayan ng Morong ay tahimik, maunlad, maayos at may katarungan. Huwag po kayo maniniwala sa pinapakalat ng mga taong sumisira sa integridad ng bayan nating ginigiliw. Ang Mayor po at sampu ng mga kasapi ng SB ay ginagampanan ng tama ang tungkulin nila 24/7 ng walang kapalit.....inuulit ko walang KAPALIT. At tama ang mga sinabi ni Kon. Dicks'n San Juan na under control lahat ang situation at maayos ang siguridad ng bayan. Kaya umasa kayo, si Super SB ay handang tumulong sa inyo alang alang sa Bayan nating Sinta.
Mamamayan: E bakit pa po kayo nagpunta rito wala naman kayong ginawang tulong sa amin?
Super SB: Ang lagay ba e ganun ganun na lamang? Pay as you order. Hindi naman pagkakaperahan yang mga naisusumbong ninyo sa akin. Money down..C'mon...Yeah baby...yeah.
Mamamayan: Hump! Tama nga yang pangalan mo..SB as in (Super Bagal, Super Barya, at Super Buraot)..ano say ninyo SB (Sanguniang Bayan)?
Abangan ang mga susunod na pakikipagsapalaran ng Mamamayan ng Morong kung walang maitulong si Super SB dito sa nobelang sarswela ng masa.
THE END.
