mga kasama, ay nalalapit na naman ang eleksyon hane. matatabunan ang mga rating diskurso at mga nilulumot na suliranin na matagal na nating pinag-uusapan rine syempre patungkol sa bayan natin.
ano na naman kya ang mga panibagong palabas at sarsuela na makikita natin?
sinu-sino na naman kaya ang magbabalatkayong concern sa mamamayan at bayan?
gawin sana nating regular ang pagpopost at pagbibigay-komento at suhestiyon sa ating MIT nang sa ganuon ay maka-encourage pa tayo ng iba na maglabas ng kanilang mga pananaw at tuloy maging kabahagi na rin ng ating komunidad at progresibong talakayan. naniniwala ako ng hindi laang iilan ang mga tiga-morong na pumapasyal at bumabalita rito kaya wag nating pabayaan ang tambayan nating ito.
sa pagpasok ng panibagong taon, inaasahan ku rin na hindi laang tayo at ilan nating kababayan ang mkikita kong aktibo sa diskusyon rito. sana ay mayruon rin namang representatnte ang ating pamahalaang bayan.
yun laang at sana'y makita ko ulit kayong lahat rito.
