Nagpatrolya ang grupo nina Cesar sa paligir ng Rizal.
Inuna nilang puntahan ang Barangay San Guillermo at Deretsong Tanay.
Me balita na nasagap ang mga elemento ng BKL na kumikilos sa Silangang Bahagi ng Rizal na may kinalaman sa nakawan na naganap nun lang mga nakaraang araw. Nadakip na raw ang magnanakaw ng kable ng Meralco sa Tanay Rizal. Sa kasalukuyan ay nakapiit ang hinihinalang suspek. Ayon sa impromasyon, naka timbre sila na ang lalaking ito raw ay dating kawani ng Meralco at nahuli sa akto dahil ito ay nakuryente. Ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya sa Tanay.
Sa iba namang balita, bumibira naman sa San Guillermo ang mga magnanakaw con magbobote ng mga takip ng plastic garbage bin na proyekto ng barangay. May nakapanayam si Cesar Asar na may-ari ng tindahan, pati mga pang tabing nilang yero sa gilid ng tindahan ay nadali rin.
Sa dako naman ng papuntang Labas makalampas ng Estacion, sa lugar na kung tawagin nun ay Jungle Fighter. Napadaan ang BMW na kotse ni Cesar Asar sa area at napansin ang ilang piraso ng trapik signs sa daan na nawala. Ito ay tulad rin dati ng mga nangyari sa zigzag. Mga signs ito na nag si simbulo ng curve road. Dalawa na agad ang nawala ang malamang mga tiwaling kawani ng mga magbabakal bote na naman ang bumira.
Sobra na ang mga magnanakaw ng magbobote pa. Hindi masama ang maghanap ng pagkakakitaan basta huwag lang magbibigay peligro o perwisyo sa tao.
Kaya para sa mga bantay ng bayan o barangay! Bakit nasasalisihan na naman kayo ng mga taong ito? Gising na aba!!!! namamakat na banig ninyo sa mukha!!!
