Welcome
Welcome to <strong>morongtambayan</strong>.
&lt;P>
You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to polst topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!&lt;br>
REGISTER TO VIEW LIVE CHAT AND NEWS SECTION&lt;P>
The views posted by MIT members on this forum does not necessarily reflects the views of this site or any other person on this forum.
&lt;P>
Although this is an unmoderated discussion group, all members should stick to substance when replying to statement specifically to Morong community. Criticizing public official is okay BUT please avoid character assassination or bashing poster's usage of grammar and spelling. For sensitive issues, you may post at Satire and Parodies section. Let's keep the forum productive and start positive discussion.

Contributors on MIT forum must NOT:
-be threatening, abusive, harassing or invasive of a person's privacy
-be sexist, racist, profane, blasphemous, homophobic or otherwise discriminatory and/or offensive;
-promote violence or advocate, condone or assist any unlawful act;
-be pornographic , sexually explicit, obscene or lewd;
&lt;P>
Etiquette:
Members should treat each other with respect, recognizing their right to freedom of opinion and expression.

MIT Liability:
We accept no liability for any material submitted by users to the Forum and we are not responsible for its content or accuracy.
&lt;P>
You, the user, agree that you are solely responsible for the content of your messages, videos, sound-bites and stills and that you will not hold us responsible for any claim based upon the appearance and/or transmission of your submission.

Any message posted on the Forum expresses only the views of the author of that message and does not necessarily reflect our views or the views of any other person on the Forum.

Any failure to remove particular material from the Forum does not constitute an endorsement or acceptance of it by us.
&lt;P>
Salamat po at mabuhay ang ating Morong!
&lt;P>
MIT Admin

Super SB Special Weekend Edition Series 2008 E2

Read, write, enjoy and keep an open mind. Post your own criticism, satire, cartoons, videos, reviews, short stories. Like it, hate it, or just don't get it. Can't take it? Just eat bibingka at our kapihan.

Super SB Special Weekend Edition Series 2008 E2

Postby juankatwiran on Sat Sep 20, 2008 8:15 pm

Super SB Special Weekend Edition Series 2008 E2

Isang special edition ng kwento sa halos tunay na buhay ni Super SB…halos lamang pero medyo tunay na rin.

Dahil weekend naman ng minsan na naman nagpunta si Super SB sa barangay San Garbagean. Sabado at nabigyan ng paanyaya sa isang kasalan sa parokya ng nasabing barangay. Maraming dumalo at puno ang simbahan. Ang mga kakasalin pala ay mga anak ng mga karaniwang tao lamang.

Sa seremonya, ang pari na nagkakasal ay si Padre Mai Paul N. Bastos. Eto ang napaka bastos na at maepal pa na pari sa kasaysayan sa parokyang ito. Itong paring ito raw ay saksakan ng pakialamero at mala imburnal ang mga amoy ng sinasabi ng paring ito. Mapagmalinis at tila nasa bloodline ni Padre Damaso sa Noli Me Tangere. Mapakialam talaga ito.

Sa kasalan, hindi nagustuhan ng mga dumalo, ng mga ninang, ninong, ng mga naka witness at higit sa lahat ng ating Super Hero ang iginawi ng pari. Nakakadismaya ang okasyon na sa halip magiging magandang alaala ng mga kinasal ang seremonyang ito.

Sa kunwari raw na di inaasahang pagkakataon, nagkita sina Super SB at NutribunXp sa kasalan at medyo nagkahuntahan ng kaunti. Kunwari lang ay di inaasahan ang dating.

SB: O nutribun, mantakin mo nman at rito pa tayo magkikita.

Nutribun: Ay huo nga, magandang lalaki ka pala sa personal. Alam mo nman na idol ka ng mga kabarangay rito. Mag ingat ka lang at nagkalat ang nga secret agent nina Pamahalaang Bayaran at mga alipores ni Kapitan Takot.

SB: Salamat sa mga paalaala. Pero teka, bakit ganyan na ang pari rito? Parang nagbalik tayo sa 1896? Mga ugaling prayle na naman ba ang mga pari?

Nutribun: Nakaw, ako nga ay napikon na sa paring iyan. Halos lahat ng mga nagsisimba rito ay iyamot na iyamot riyan. Yung iba nga hindi na rito nagsisimba, minsan sa Antiplo o sa Sintang Inang Bayan. Nakakaiyamot na nga raw at saksakan pa na pakialamero. May daplis ata sa utak ang paring Bastos na ito.

SB: Aba, baka ikaw at maakusahan ng simbahan ng pagiging erehe or pelibustero?

Nutribun: E gusto na nga ng mga ibang tao at mga kabataan na bugbugin ang paring iyan. Hindi niya inilalapit ang simbahan sa mga taong bayan. Sobrang neo-conservative na pari. Daig pa ang mga Rebulican right-wing ng America.

SB: Eh ano pa ba isang reklamo na naimbestigahan mo riyan sa Paring Bastos?

Nutriban: Nung isang pagkakataon na may na ilabas na San Garbagean Fact Book ang barangay, gusto ba naman nung pari na dapat raw bigyan ng priority na pansing ang parokya niya at huwag masyadong minimal ang kwento. Maraming sumalungat sa kanya kase hindi naman tungkol lang sa simbahan o parokaya ng lalamanin, dahil unfair naman sa mga ibang religious affiliations tulad ng mga protestante, Jehovah, Iglesia, at iba pa.

SB: Aba e gusto pa eh Super Star ang dating. Pag ako napikon riyan sa paring bastos na iyan, lalagyan ko ng nilapirot na rahon ng kantutay ang kwarto niyan para mag amoy utot, at simbaho ng bibig niya ang amoy.

Nutribun: Maepal nga. Madalas hindi rin siya makasundo ng pamunuan ng barangay sa mga programa lalo na pag pista at Sta. Peregrina, at iba pa. Kase nga gusto niya kung anong kaayusan ang nais niya yun lang dapat ang magiging resulta.

SB: Abah, narcissistic pala yang pari na yan. Mahal na mahal ang sarili. Dapat sa paring Bastos na yan sa Basilan ma assign para malaman niya ang pagmamahal niya sa sarili niyang idea at religious goal.

Nutribun: Me mga kabataan nga gusto lagyan ng lipa na makati ang sutana para kathan.

SB: NAkaww, bansarap magkamot noon.

Nutribun: Nakaw eh nakaka walang respeto at nakaka sira ng simbahang katoliko. Meron na rin pala na paring walang modo at walang breeding.

SB: Huwag ka naman ganyan, meron naman na breeding yan kahit papano, rabid Mongrel. Hahahahahaha (tawang demonyo si Super SB)

Nutribun: Tama ka nga, askal breeding na me galis at garapata na naka implant sa utak.

SB: Ako nga kanina hindi ko nagustuhan ang pangangaral niya sa mga kinasal. Mga bagay na dapat hindi na ginagawa sa harap ng mga publiko at dapat between the couple and the pari na laang. Abay, lumabas na napahiya ang mga kinasal at sa halip na masaya ang sermonya eh ginawa pa niyang kahiyahiya ang mga kinasal.

Nutribun: Ay huo nga, gaganahan ka pa ba panoorin yung video coverage ng kasal ninyo kung ganun ganun lang ang ginawa ni father. At isa pa nagka seminar na naman prior sa kasalan. Malamang nag ego trip na naman si Paring Bastos kase malinis siya eh, sinlinis ng imbornal sa Salog.

SB: Manalangin na lang si Paring Bastos na iyan na huwag mag cross ang path namin, kundi paluluhurin ko siya sa mga tala para maging Mega Star na siyang lubusan. Galit nag alit ako!

Nutribun: E bakit galit na galit ka? Huwag ka magalit sa pinaggagawa ni Paring Bastos.

SB: Hindi ako galit sa kanyang sistema…galit ako kase gusto niya ring maging Super…Gusto ko ako lang ang Super….kase gusto niyang maging Super Mega Diamond Star for All Season. Hindi pwde, kailangang magkaroon ng himala. (super sb, maniwala ka na kay Ate Guy, “Walaaaang Himala”).

Nutribun: Kelan kaya mawawala ang paring ito rito?

SB: Ito lang maipapayo ko sa iyo…

Nutribun: Ano yun?

SB: Mamayang gabi pag tahimik na ang lahat…

Nutribun: Mag totoning ba ako?

SB: Hindi, tumungo ka sa bintana at buksan ito…

Nutribun: Tapos…

SB: Lumuhod at pumikit ka…

Nutribun: Mananalangin po ba ako father…eheste..Super SB pala..

SB: OO, tumingala ka at antayin mo..

Nutribun: Antayin ang alin…

SB: Antayin mo…”Bukas Luluhod ang mga Tala”

Nutribun: Ngek! Paano pa kaya yun eh “Pasan Ko Ang Daigdig”..

DA END

Maraming salamat po at hanggang sa muli ng walang kwentang kwentong barbero na hango sa halos tunany na buhay.

Nais ko pasalamatan muli ng mga bago kong Sponsors:

Malabanan Water Refilling Station – for safe, distilled, and refreshing drinking water.

Hithit Buga Menthol Cigarettes – ang yosi na lagi kang ma tataralets sa takobets.

Himlayan Hills – If you are looking for a stress free community. There is a place for you here at our new and well-developed 6-star residential estate. We are open for bank o in house financing. We are a Subsidiary corporation affiliated with the Lehman Brothers and AIG.

Sukasim – ang tunay na sarap asim mula sa mga tunay na katas ng pawis. Ekslusibong mabibili lang sa mga naglalako sa kalye.

Devil’s Wear Prada House of Beauty – ang opisyal na parlor ng pari ng parokya sa San Garbagean. Tunay na huhubugin ang nais mula ganda hanggang pati sa pag-uugali.

"BraNet" - ang tatak na gawang Red Roses na design po ni Pkngy at model nito ay si Menggay. Ang bra na lahat ay kapit na kapit na malamang maglalaway pati mga kabit. www.bra.net.phcare.

Kinisyon – ang wonder metal polisher. Ilang kiskis mo lang…tiyak kikinis yon.

De 2 Luck Battery – Pagod ka na ba sa palpak na baterya, ito na ang kasagutan..ang baterya ng mga malalakas at malalaki ang muscles. Hala, tulak na!

Words of the Day:

“Huwag unahin ang galit kung wala ka naman palang pambayad sa jeep”.

“Kung ikaw ay bigo sa pag-ibig, wala na ako magagawa riyan”.


This article was brought to you by Walang Patutunguhan Productions. All rights reserved 2008.

Stop the anti-piracy campaign. Long live Quiapo Empire…DVD DVD DVD.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby tripko on Sat Sep 20, 2008 10:34 pm

JT,
magandang basahin pero i disagree. sa pagkaunawa ko sa kuwentung ito ay hindi malisyoso ang ginawa ng pari sa dalawang ikinasal, tular ng sinabi ko sa general forum. Yung video tape ng bagung kasal ay dapat kopyahin, i pirate at i distribute sa mga gustung magpakasal para mabuksan ang kanilang isipan na may pamantayin pa rin ang simbahang katoliko. at kung hindi nila makakaya ang mga sasabihin ng simbahan ay sa munisipyo na lamang sila, naruon ang mga super sb, mura pa.
User avatar
tripko
Grade 3 Na, Abay Na Advance
 
Posts: 130
Joined: Tue Mar 18, 2008 7:37 am
Location: US Of A**

Postby nutribunxp on Sun Sep 21, 2008 3:30 am

ako'y sa munisispyo naikasal at sa katunayan yung mayor ngayon ang nagkasal sa amin noon ay bise pa laang siya.huo at nakaraos ang kasal ko na mura nga..at kabilang ako roon sa taong hindi kasal sa simbahan kaya kami ng pamilya ko sa pananaw ng iba ay namumuhay sa kasalanan kasi kami ay hindi kasal sa simbahan..JK hindi bat hindi ka rin kasal sa simbahan?sa huwes ka nagpakasal hane..pareho pala tayong namumuhay sa kasalanan kasi hindi ka rin kasal sa simbahan..hala ka, lagot ka ke pader pag nagpakasal ka sa simbahan...nakaw ay alam mo na ang mangyayari sa iyo...lagot ka...malamang eh wala na tayong puwang sa langit damay pa ang mga misis natin..tsk tsk tsk..di bale pareng JK ang mahalaga eh hindi tayo nanlalamang ng kapwa natin at tuparin natin ang tungkulin natin bilang Kristiyano. tumulong tayo sa kapwa natin ng hindi naghihintay ng anumang kapalit..maglingkod tayo sa Diyos sa ating munting pamamaraan ng hindi rin naghihintay ng anumang kapalit..tama ba ako pareng JK?
nutribunxp
Gumagabay Na
 
Posts: 52
Joined: Tue Jul 29, 2008 7:59 pm

Postby juankatwiran on Sun Sep 21, 2008 12:57 pm

tripko wrote:JT,
magandang basahin pero i disagree. sa pagkaunawa ko sa kuwentung ito ay hindi malisyoso ang ginawa ng pari sa dalawang ikinasal, tular ng sinabi ko sa general forum. Yung video tape ng bagung kasal ay dapat kopyahin, i pirate at i distribute sa mga gustung magpakasal para mabuksan ang kanilang isipan na may pamantayin pa rin ang simbahang katoliko. at kung hindi nila makakaya ang mga sasabihin ng simbahan ay sa munisipyo na lamang sila, naruon ang mga super sb, mura pa.



Napawalang concern mo naman sa damdamin nung kinasal. Ano kaya ang mararamdaman mo kung kaanak o close friends mo yung ipapakalat na ganun ang nangyari sa kasal? Tapos i aadvice ko sa iba na ipakalat at ang pangyaring ganito sa maraming tao, sa palagay mo mag su suggest ka pa rin ng ganyan?

Ang mga kinasal ay hindi ko kaano ano, hindi ko sila kamag-anak o malapit na kaibigan. Naroon lang ako dahil ako na imbitahan bilang kabarangay. Unang kung tinimbang ang punto ng pari at inilagay ko rin ang sarili ko sa pari pero hindi lang dahil sa propesyon ko iyun pero dahil bilang isang norman na tao rin. Pero hindi ko pa rin makita ang lohika ng ginawa niya. Ang sumunod na tinimbang ko ay yung malagay sa posisyon ng dalawang kinakasal. Totoong me pagkakamali ang kinasal pero hindi naman pinagbabawal ng simbahan o ng bible ang magkasal ng me anak na. Hindi naman sinasabi sa biblia na ganito ang gawin ng pari pag magkakasal ng me mga anak na. Sinabi ba ni Kristo na ipahiya ang mga taong nag iisang dibdib na me anak na? I short sa pananaw mo may lisensyang magpahiya ang pari sa mga kasalan ng mga katulad ng kinasal na iyan.

So sumasang-ayon ka sa ginawa ng pari, at gusto mo pa na ipakalat ang nakakahiyang tagpo sa buhay ng dalawang ikakasal pa lamang. Bright idea. Well, pinapanalangin ko na lang na huwag sana mangyari sa mga mahal ninyo sa buhay o malalapit na kaibigan ang tagpong tulad nito at ako naman ang mag su suggest na ipakalat ang video at kwento nila.

Kung ganun ang panuntuntunan ng simbahan, dapat lahat ng makasalanan sa lipunan at ganyan itrato sa kasalan. Mga magnanakaw at sinungaling sa gobyerno. Mga adik at pusher dapat ipahiya rin at huwag bigyan ng communion. Ang mga nagbuntis at me anak na ikakasal ipagbawal na at huwag na tanggapin pa sa simbahan ikasal.

FYI, ang mga bago pa lamang ikakasal sa simbahan dumadaan pa sa seminar na simbahan ang na co conduct. Pwede naman dun na lang sabihin nung pare para sila sila na lang ang makarinig at makasaksi. Pangalawa, e bakit naman tinanggap pa ng pari kung sa tingin niya ay nakakabastos ng simbahan. At sinasabi mo na naging bastos ang dalawa at me utang na loob pa sila sa simbahan dahil tinanggap pa sila. Ayoko bilhin ang argumentong iyon. Double standard naman ata na pananaw yun eh may mas mga makasalanan pa na mas bastos kesa sa mga nagawa ng dalawang kinasal bakit wala akong narinig na kwento na pangaralan ng harapan isa isa ang mga kawatan sa gobyerno na communion pa tapos nagnanakaw lang naman pala ulit.

Hindi ito kapraningan, ito'y isang pagmumulat lamang sa tunay na naganap sa isang simpleng buhay ng dalawang mahirap na mag-asawa na mas piniling ikasal sa simbahan na buo ang loob, nagmamamahalan, at naniniwalang sacrado ang kasal na mag titibay ng pag iisang dibdib nila sa pamamagitan ng seremonyang iyon. At inaakala nila na magiging masaya at magandang memory ang maiiwan nila sa okasyon na iyon. But it turned to be a nightmare on their part not knowing that the heartless priest will embarassed them in the eye of God and in public. Hindi na sakop ng pari na hisgahan ng ganun ganun lamang ang mga taong nakakasal sa ganun kalagayan.

Bakit sa mga kilalang personalida hindi nangyayari yun? Kase karaniwang tao lamang sila. Pero kung anak ni mayor, anak ni governor ang nagpakasal ng ganun im 1001 percent sure na hindi mangyayari iyon.

Yung pang isang point mo na bakit hindi na lang sila sa huwes magpakasal para iwas kahihiyan...FYI, kung alam lang ba nila na gaganunin sila nung pari sa palagay mo papakasal pa sila sa paring iyon? o sa simbahang iyon? Hindi ko rin mabili yun. Tsaka isa pa, pinili nga nila ikasal sa simbahan kase respeto pa rin sa simbahan, pero ang nangyari ang taong simbahan naman ang hindi nag respeto sa mararamdaman ng ikinasal.

Hindi na ako believe sa mga paring ganyan. Feeling banal, pero pag hubad na damit ng pari makasalanan rin naman. Inilalayo ng paring iyon ang simbahan sa mga tao. Ang mga susunod na magpapakasal tuloy magdadalwang isip na magpakasal sa iba kesa maging victim na naman ng insensitive na pari. Hindi por que pari siya sasabihin na niya ang sa tingin niya ay tama siya with thinking kung ano mararamdaman ng taong sasabihan niya.

So ang permise mo, ay marapat lamang ipahiya ang mga taong kinakasal na me pre-marital sex experience na? At sa tingin mo pambabastos sa simbahan ang pagpapakasal ng nabuntis, nagka anak, or meron ng pre-marital relationship na?

At dahil sa mga nabanggit na mga nagawa ng mga ikakasal ay marapat lamang na sila ay maipahiya o mabastos sa publiko at sa harap ng altar ng simbahan dahil ang ginagawa nilang pre-marital relationship o pagbubuntis o pag aanak bago ikasal ay pambabastos sa simbahan?

Kung ka praningan ang kwento ko, sa tingin ko wala ng mas pa praning kung sasang ayon pa ako o i ju justify ko pa ang ginawang action ng pari.

Ang Diyos nga nagpapatawad at umuunawa sa mga nagkakasala at binigyang pagkakataong magbago ang tao pero hindi niya ipinahihiya ang mga tao, lalo na yung mga may duda ang paniniwala sa kanya e bakit ang paring iyon ay mas masahol pa sa Diyos umasta.

Kilala ba ng personal ng pari ang mga background ng mga taong pinahiya niya? Di naman sila mga kriminal. Dapat ipahiya rin niya yung mga sumusimba na mga taong nangangaliwa ng asawa. I pin point nya o i mention ang mga pangalan sa misa. Yung mga sugarol, asawa ng pusher (taong simbahan pa ito ha), mga taong sinungaling at iba pa.

Hayy nakuh, kapraningan na pala ang ginagwa ko. Atleast nagmamalasakit ako sa damdamin ng kapwa ko, lalo pag at biktima ng mga paring feeling santo. Marami pa kayong hindi nalalaman sa mga pinaggagawa ng paring ito. KAmpon ito ni Padre Damaso at utak prayle. Mando, kasi mahilig magmando. Palagay interviewhin rin dapat ito ng radyo san guilmo.

Sana humingi ng paumanhin ang paring ito sa mga taong nakaramdam ng kahihiyan na wala naman sa lugar at tamang panahon. Hindi isang regular na misa iyon father, kasalan po iyon at wala kayon lisensya na ipahiya ang inyonng kapwa na sa tingin ninyo ay makasalanan. Si father kaya, alam kaya niya pakiramdam ng ikinakasal? Alam kaya niya kung gaano ka importane sa kanila ang magandang memories ng ceremony nila?

Dapat maranasan niyang maipahiya ng ganun para malaman niya ang pakiramdam ng tinatratong ganun na sa tingin niya e marapat lang bastusin o ipahiya.

Panalangin ko na lang na sana huwag mangyari sa iba ang ginawa ng paring ito.

Suggest ko kaya kay father i post niya or i announce sa kada misa ang ganito:

Ikakasal ko lamang ang mga nabuntis, buntis, at me anak na sa kundisyong huwag sasama ang loob kung ipapahiya ko sila sa seremonya ng kasal nila. I paskil niya sa buong simbahan at may anunsyo pa kada misa. Palagay ko mas effective yun at magiging warning na rin sa mga tinuturing niya "sinner". Mamang pari hindi ka po Diyos baka nakakalimot po kayo father.

AMEN.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby pandeesal on Fri Dec 05, 2008 10:09 pm

tripko wrote:JT,
magandang basahin pero i disagree. sa pagkaunawa ko sa kuwentung ito ay hindi malisyoso ang ginawa ng pari sa dalawang ikinasal, tular ng sinabi ko sa general forum. Yung video tape ng bagung kasal ay dapat kopyahin, i pirate at i distribute sa mga gustung magpakasal para mabuksan ang kanilang isipan na may pamantayin pa rin ang simbahang katoliko. at kung hindi nila makakaya ang mga sasabihin ng simbahan ay sa munisipyo na lamang sila, naruon ang mga super sb, mura pa.



anong pamantayan ang sinasabi mo???? ang mga nagpakasal ay wlang ibang nsa-isip kundi ang maging maligaya s arw ng kanilang kasal. ikaw kaya ang bastusin ko o kya ang mga kapatir mo at magulang kapag may pa-okasyon sa simbahan??? ANG MGA BASTOS NA PARING ito ay minsa'y nakakaimutan na pari lamang sila at inaakala nilang sila na ang DIYOS na dpat tingalain at gayahin. katarantaduhan ang nangyayaring ito halos sa mga piling parokya rine sa MORONG. kung sino p ang mga taong-simbahan ..sila ang mga demonyo. nakatatamar na magsimba dahil puro kakupalan lamang ang n-aabsorb ko. mga kaplastikan at pagpapakitang-tao..pwe!
User avatar
pandeesal
Gumagabay Na
 
Posts: 60
Joined: Tue Dec 02, 2008 11:58 pm
Location: ay morong!


Return to Satire and Parodies

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron