Welcome
Welcome to <strong>morongtambayan</strong>.
&lt;P>
You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to polst topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!&lt;br>
REGISTER TO VIEW LIVE CHAT AND NEWS SECTION&lt;P>
The views posted by MIT members on this forum does not necessarily reflects the views of this site or any other person on this forum.
&lt;P>
Although this is an unmoderated discussion group, all members should stick to substance when replying to statement specifically to Morong community. Criticizing public official is okay BUT please avoid character assassination or bashing poster's usage of grammar and spelling. For sensitive issues, you may post at Satire and Parodies section. Let's keep the forum productive and start positive discussion.

Contributors on MIT forum must NOT:
-be threatening, abusive, harassing or invasive of a person's privacy
-be sexist, racist, profane, blasphemous, homophobic or otherwise discriminatory and/or offensive;
-promote violence or advocate, condone or assist any unlawful act;
-be pornographic , sexually explicit, obscene or lewd;
&lt;P>
Etiquette:
Members should treat each other with respect, recognizing their right to freedom of opinion and expression.

MIT Liability:
We accept no liability for any material submitted by users to the Forum and we are not responsible for its content or accuracy.
&lt;P>
You, the user, agree that you are solely responsible for the content of your messages, videos, sound-bites and stills and that you will not hold us responsible for any claim based upon the appearance and/or transmission of your submission.

Any message posted on the Forum expresses only the views of the author of that message and does not necessarily reflect our views or the views of any other person on the Forum.

Any failure to remove particular material from the Forum does not constitute an endorsement or acceptance of it by us.
&lt;P>
Salamat po at mabuhay ang ating Morong!
&lt;P>
MIT Admin

Back from Bakasyon si Super SB

Read, write, enjoy and keep an open mind. Post your own criticism, satire, cartoons, videos, reviews, short stories. Like it, hate it, or just don't get it. Can't take it? Just eat bibingka at our kapihan.

Back from Bakasyon si Super SB

Postby juankatwiran on Sat Jan 24, 2009 5:19 pm

Isang magandang araw o gab-eh sa mga tambay at rating tambay ng MIT.

Ipinapaabot ng ating Super Hero na si Super SB ang kanyang paghingi ng paumanhin at walang bagong update sa pakikipagsapalaran niya. Aking napag-alaman mula mismo sa kanya na siya pala ay galing sa ibang bansa. Kakauwe raw laang. Siya raw ay nagbakasyon muna at pagor na pagor na sa stressful na buhay sa Sintang Inang Bayan. Aba'y di ko sukat akalain na di pala talaga lumilipar si Super SB. Ang sabi niya siya ay naki lasket laang sa eroplano. Me promo raw kase libre sakay ng round trip ang me bayar raw ay yung paglabas ng eroplano. Tingnan mo nga naman ang galing mag analize abah.

Marami siyang kinumusta sa akin...na miss raw niya ng MIT. Pati raw mga tao sa MIT parang mga lantutay na raw yata at abalang abala sa mga kanikanilang pinagkakaabalahan. Sina labuyong bayan at pukinggay raw ay di na napasyal. Pag uwi raw niya sa Sintang Inang Bayan ay kukumustahin raw niya ang mga ipinamalaking katambulan ni Konsehal Bulaklak sa limpak limpak na salapi ng Sintang Inang Bayan. Hahanapin rin raw niya yung mga pinaglaanan at pag lalaanan ng mga limpak limpak na salapi ng Sangganuhang Bayad.

Maganda raw ang napasyalan niyang bansa. Malapit na raw maiwan ang Pilipinas. Aba'y mantakin mo, twice a week ng papausok ng mga kanal laban sa mga lamok, banraming mga palayan at kilokilometrong mga palayan ay walang bakanteng taniman, pati bunrok me mga tanim rin...di tulad sa Sintang Inang Bayan puro perwisyo ang tinatanim at kaya pag aninhan dengue ang tubo...hayy kamote raw...Tinanong ko sa kanya kung me mga laki tyan na pulis sa Indonesia. Sabi nya, naku wala...at roon raw ang pagpupulis ay isang kurso at kelangan pasukan ng ilang taon at me tuition fee. Meron man na corrupt pero pagalingan na laang raw ng diskarte hindi gaya rito, legal ang nakawan at gulangan sa pira. Minsan pa nga raw rito sa Singtang Inang Bayan, ginagawan pa ng batas o resolusyon para makapagnakaw. O, di ba tubong langaw ang mga hangal eheste halal ng bayan.

Maraming istorya na nakaka believe sa adventure ni Super SB...nagpalipas ng pasko at bagong taon sa ibang bansa kase nagtatago raw siya sa mga inaanak..hehhehehe..

Paumanhin rin at abala ang inyong lingkod nung mga nakaraang ilang buwan. Abangan na lang ang mga susunod na kabanata.

JUAN KATWIRAN - buhay na naman.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby pandeesal on Fri Feb 06, 2009 12:28 am

welcome back po! sna ay tuluy-tuloy pa ang diskusyunan rine. more power!
it's hard to face the problem...

if the problem is your face
User avatar
pandeesal
Gumagabay Na
 
Posts: 60
Joined: Tue Dec 02, 2008 11:58 pm
Location: ay morong!

Postby rsg on Fri Feb 13, 2009 2:31 am

abah ay na miss ko itung serye ni Super SB.. welkam balikbayan :)
User avatar
rsg
Naglalakar Na
 
Posts: 79
Joined: Sat Mar 22, 2008 2:10 pm

Re: Back from Bakasyon si Super SB

Postby Pukinggay on Sun Feb 15, 2009 3:09 am

juankatwiran wrote:Sina labuyong bayan at pukinggay raw ay di na napasyal.


narine na uli ako JK! midyo napasarap po sa bakasyon sa atin... nakaw prinimirang sarap ng 'inumin' hihihihihihi... dedma ko na lng yung amoy sa tag hangin-ayy mabaho na nga hane maski sarado kutse ko eh me alingasaw pa rin.

hindi ako gaanong nakapagbigay atensyon sa mga problema ruon at sa rami naman ng yumayakag sa akin... kaaaw ay hindi matigel maski isang araw!

miss ko kau lahat rine! nasaan na kya kumare ko... MLA... ayy hooyyy nasaan ka na nga ba?
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby tripko on Sat Feb 21, 2009 11:44 pm

HELLO JK, Pandeletche, RSG, pukingking...

mis ko rin ang MIT
User avatar
tripko
Grade 3 Na, Abay Na Advance
 
Posts: 130
Joined: Tue Mar 18, 2008 7:37 am
Location: US Of A**

Postby tripko on Sat Feb 21, 2009 11:45 pm

HELLO JK, Pandeletche, RSG, pukingking...

mis ko rin ang MIT
User avatar
tripko
Grade 3 Na, Abay Na Advance
 
Posts: 130
Joined: Tue Mar 18, 2008 7:37 am
Location: US Of A**

Re: Back from Bakasyon si Super SB

Postby juankatwiran on Tue Jul 21, 2009 3:10 pm

nakaw, pasensya na at bago lang ulit ako napasyal rine..abay iba na pala ang lay out nito. akala ko nagkamali ako ng napuntahan na site. napaghahalata ang mala balisawsaw na dalaw ko rine. anyway, i am back and i will haunt the BASURA guys in MoronGhetto.

jk man...soon to publish another Super SB story...election fever is just around the corner..and Rizal dumps are just around our DUMPSITE...hehehehe...to the tune of ABBA's song MONEY MONEY MONEY....and followed by Cindy LAuper's Money Changes Everything....hehehe...


CIAO people...i'll cook another series of SB Saga...
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

MAL RETURNS AND WATCH OUT MUNISIPYO!

Postby Malditang LA on Tue Sep 01, 2009 6:40 pm

Hoy JK, Pkngy, Tro[kp, Pandeleche, RSG at mga ka-MIT,

Bangtagal na on-leave ako sa MIT at on-leave rin ako sa jowa - mahirap palang makipaghiwalay sa kuwan kapag ikaw ang hiniwalayan. Pero style Western na tayo kaya leave and let leave at live at let live pa rin. Ganyan ang buhay ng tawo maski na kadalasan nasa ilalim ka ay pumapaibabaw pa rin at ganyun nga nangyari hanggang mawala at ngayon ay panibagong buhay na naman. Naka2long ang pag uwi at paninirahan sa taas ng SG - Antipolo, at nakakuha pa ng isang partner na hanggang ngayon ay OK naman ang tinginan.

'Sya tama na ang drama at baka maluha pa si 'Mareng Pkngy na nasulyapan ko sa SM (Morong) pero mukhang hindi siya at ang kausap ay may punto.

JK marami ka ngang mga sinasabi na nakita ko rin sa Morong - pero bakit maganda na ang lugar ng basurahan at elevated pa kaya ang nangyari ay kapag malakas ang ulan ay flooded hanggang sa tabi ng TCMC at Ospital raon. Kung bakit naman tina-asan ay hindi ba alam nila ang ipikto kapag umulan. Ay di ganyun at walang makaraang sasakyan gawa ng baha - kay papasok at palabas sa Morong ay frozen ang trapik - ilang oras na nakatigil gawa ng lintik na baha resulta ng elevated basurahan site. Subra na nga ang rami ng mga hunhang sa munisipyo - na basta't na akbayan ni "Why" ay alalay na.

May recycle plant at pugar ng nag dedate sa hapon at pag dilim - OK ah libre hotel. Pero malaking kwarta kinita ng mga tiga munisipyo at milyon pesos. Kutakot ng rami ng pambili ng dengue gamot, pero wala. Iyon noong isang taong buladas ng Kons. D., isang katutak ang pira sa kaban ng munisipyo ay aba ng tanundin ko kaberks ko raon ay wala raw laman. Baka naman kako may kumuha na.

Dapat nga ay kung ano man itong aming sunog sa LA ay sana sa mga bahay ng mga mangkukurakot sa ating bahay masunog at tupok rin. Awang-awa ako sa mga tawo sa atin - naglakar ako sa SG ay talagang hirap ang mga tawo - pero mga nakatawa at sabing, "Raan mna.", O kaya'y, "Parika ka at mag almusal bago ka maglakar." o kaya'y, "May tubig rini hindi malamig, sagi muna." Sa maytabi naman ng isang palayanan ay may mga batang nagluluto ng kung ano - aba ay kamoteng kahoy at ako ay di naman kilala ay binibigyan - sa awa ko ay hinango ko ang niluluto at binalik ko ang iba para sa kanilang minandal. Naisip ko na ganyun kami ng mga bata pa kami sa tabing ilog sa may Agas-as. sabay paligo at lutu sa isang malaking lata ng kamote ng may kamotihan.

Ako po ay napapaiyak sa ganda ng pakitungo ng mga tawo sa baryo. Na wala silang muwang na kutakot na pangloloko naman ang ginagawa ng munisipyo at mga projects sa amin ay hindi pa na-uumpisahan ay pinag-aawayan na kaagar. Alam na natin ang istorya na nawawala kable - koryente at telepono. Iyon ang rason ng pldt na walang bagong kabit at ninanakaw ang kable. Bakit raw hindi papulis - para naman kakong bulag - bulag na mga pulis eh pati ba kayong barangay opisyales bulag rin? Siempre naman at mga naka-antipara pa!

Dala ng aking sama ng loob at sa nangyari sa aking buhay ay nangako ako sa tiga atin sa SG na ako ay tatakbong konsehala neks year. Kung bilihan ng boto ay kaya ko, pero hindi ko gagawin. titingnan ko kong mananalo ang clean conscience, clean pockets, clean layunin sa ating baryo. Hindi na muna ako makikialam sa mga tiga bayan - ito munang baryo ang aking lilinisin. Kung walang partidong makabitan ay tatakbo akong independent - maski walang ibang kandidato sa tikit - basta konsehala lamang at di rin ako susuko sa mga may supot ng pera. Kung matalo at nakita ng mga tawo kung sino itong loka-lokang tumakbong walang pera - pero maganda ang plataforma. Wala akong gabay kundi iyong mga tawong nag po post sa MIT. Kaya kayo ang aking mga advisers - wala bang pag-asa ang plano ko? Magbilihan na ba o takbong walang pira tayo.

Ang mga iba nag u umpisa nang mamili ng boto sa atin ngayon eh bawal pa man rin ang mag kampanya at maaga pa. Iyong mga nasa atin kapag may nakita na pulyito at mga nakarikit sa mga tinrahan ay 'sya ginawa na pala ng mga pinag paalaman ko bago umalis ang unang hakbang ko. Kung wala pa kayong nakikita (verde ang papel) ay tiyak nagantso me ng pinaghabilinan. Lesson One - Do Not Trust People. Pero hindi ko sinunor.
CG at mausok rini sa aming lugar sa LA. 'Mare, nasaan knb?

MLA
MAL-LA
Malditang LA
Gumagabay Na
 
Posts: 53
Joined: Sat May 10, 2008 9:10 am
Location: LA

Re: Back from Bakasyon si Super SB

Postby juankatwiran on Sun Sep 06, 2009 5:54 am

Naku ang ganda ng mga sinulat mo. I miss MIT also. Di n nga ako nakasulat ng mga kwento pero ang mga realidad ng mga kwento sa atin sa SG at totoo. Ang mga bagong pamunuan din ng barangay ay wala rin halos pinag iba sa nakaraan. Pero mas sensitibo itong mga bagong upo, on a negative side. Mga sensitive mapuna at mabigyan ng mungkahi. Sila lang ang magaling para sa kanila. Pag binatikos mo ikaw ay papatawag o i summon para uriratin ang mga sinulat at pinuna mo at tanong sa kanila. Ginagamit nila ang intimidation at ilang forms ng harassment. Ang naghabla at ang Sanguniang Barangay at ang didinig ay taga Barangay rin. Di nila alam ang freedom of expression at freedom of the press.

Pagod na rin ako sa kakapuna sa mga nangyayari sa lipunan pero ang hindi ko rin matiis ang paurong at mahirap na pamumuhay ng mga taga san guilmo, maswerte ng konti ang mga me mahal sa buhay sa financial aspects compared sa iba pero ang downsides malayo na sila sa mga mahal nila sa buhay na di naman nararanasan ng mga taga atin noon na kelangan na talaga iwan ang sariling bayan.

Sina Konsehal Dickson et al ay mga halimbawa ng mga taksil at sinungaling sa bayan. Pinuno at binusalan lang ang mga tenga natin ng pambobola (akala nila maraming naniniwala sa kanila). Kelan matutoto ang mga taga San Guilmo na palabigasan lang ng mga boto pag dumarating ang halalalan. madaling bilhin at madaling bolahin. Nakakalungkot pero ang masakit nadadamay ang mga matitinong botante sa mga engot na botante sa atin. Ang mga opportunistang botante at mga kandidato ang ugat ng lahat ng kahirapan sa atin.

Meron ako kakilala na naging casualty lang ng election sa atin nan anngahas na tumakbo sa eleksyon pero wala rin nangyari. tumakbong konsehal pero iniwan rin ng mga taga san guilmo kase nag commit na sila sa mga nakaupo ngayon. Good luck sa iyo, pero payong kaibigan maaraing ganun din sapitin mo. Sana siya na lang ang nakalusot kesa sa mga nakaupong konsehal from SG. Kung sino ang mg malinaw at matinong programa, wlang bahid ng TRAPO politics, walang biniling boto, dating aktibista, at karaninwang tao lang hindi nanalo.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Salamat mga ka-massa

Postby Malditang LA on Sun Sep 06, 2009 6:54 pm

Salamat JK Ganyun rin ang mga payo na natanggap ko - na wala raw nanalo sa platapormang "linis bayan" - kundi "pera bayan". Ganoon pa man ay nagbubuko-buko kami rini sa LA kung hindi man raw ako ay sino raw kaya riyan na kilala na ng mga tiga atin (SG) at tiyak na pamlaban kay Dikson or sino pa man. Kung meron man ay according to what others said - OK sa umpisa pero(a) in the long run ay iisa kulay nila.

I am recovering fast to my previous experience in life and the more I think about our town or barrio the more I am really motivated to do something. On the other hand, mas maraming negative advise sila na buti pa raw ay kumabit ako sa kung sinong kalaban nina JB at raon ako mag umpisa - ay di sagot ko ay - malalahiran ako ng gawi ng mga "experienced" kandidato and might take advantage of our resources, at masasabi ng mga botante ay "kow ay may kasama silang bagong manloloko".

Pinatigil pala ang pulyeto na ilalagay at rason raw ay ang law ay three months before election dapat mag lagay ng mga election campaign materials. Hindi pa man ay may kalaban na tayo, ako pala.

Itong bago kong tao ay nakikiusap sa akin na hwag ko na raw ituloy at baka lamang magkasakit pa kami - mga 60 yrs old na nga kami. Akala ko lamang bagkus matanra na tao igagalang na at makikinig ang mga tiga atin. Mahirap ang magging honest, mas mahirapa rin ang magkunwaring honest hane?

Salamat ulit at hinhintay ko ang isang report ng aking ka-berks sa munisipyo na may tinagong "strategy" raw ang munisipyo. Sige, mabuhay tayong lahat na malinis ang mga hangarin sa ating Morong, Ating Baryo, Ating Buhay.
MAL
MAL-LA
Malditang LA
Gumagabay Na
 
Posts: 53
Joined: Sat May 10, 2008 9:10 am
Location: LA


Return to Satire and Parodies

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron