Welcome
Welcome to <strong>morongtambayan</strong>.
&lt;P>
You are currently viewing our boards as a guest, which gives you limited access to view most discussions and access our other features. By joining our free community, you will have access to polst topics, communicate privately with other members (PM), respond to polls, upload content, and access many other special features. Registration is fast, simple, and absolutely free, so please, <a href="/profile.php?mode=register">join our community today</a>!&lt;br>
REGISTER TO VIEW LIVE CHAT AND NEWS SECTION&lt;P>
The views posted by MIT members on this forum does not necessarily reflects the views of this site or any other person on this forum.
&lt;P>
Although this is an unmoderated discussion group, all members should stick to substance when replying to statement specifically to Morong community. Criticizing public official is okay BUT please avoid character assassination or bashing poster's usage of grammar and spelling. For sensitive issues, you may post at Satire and Parodies section. Let's keep the forum productive and start positive discussion.

Contributors on MIT forum must NOT:
-be threatening, abusive, harassing or invasive of a person's privacy
-be sexist, racist, profane, blasphemous, homophobic or otherwise discriminatory and/or offensive;
-promote violence or advocate, condone or assist any unlawful act;
-be pornographic , sexually explicit, obscene or lewd;
&lt;P>
Etiquette:
Members should treat each other with respect, recognizing their right to freedom of opinion and expression.

MIT Liability:
We accept no liability for any material submitted by users to the Forum and we are not responsible for its content or accuracy.
&lt;P>
You, the user, agree that you are solely responsible for the content of your messages, videos, sound-bites and stills and that you will not hold us responsible for any claim based upon the appearance and/or transmission of your submission.

Any message posted on the Forum expresses only the views of the author of that message and does not necessarily reflect our views or the views of any other person on the Forum.

Any failure to remove particular material from the Forum does not constitute an endorsement or acceptance of it by us.
&lt;P>
Salamat po at mabuhay ang ating Morong!
&lt;P>
MIT Admin

sino ba namang pinuno ng bayan ang magpapahamak sa "sintang

Read, write, enjoy and keep an open mind. Post your own criticism, satire, cartoons, videos, reviews, short stories. Like it, hate it, or just don't get it. Can't take it? Just eat bibingka at our kapihan.

Postby juankatwiran on Tue Aug 05, 2008 11:27 pm

Noong panahon ng Kastila meron na rin nagbenta ng kalayaan natin at ang gamit rin na salita ay "sino ba namang pinuno ng bayan ang magpapahamak sa "sintang bayan".

Noong panahon ng Amerikano may mga lider rin na tulad ni Aguinaldo ang nagbenta sa kasarinlan ng Pilipinas at gamit din ang salitang "sino ba namang pinuno ang magpapahamak sa kapakanan ng "sintang bayan".

Noong panahon ng Hapon may mga namuno rin na nakipagkutsabahan sa Hapon tulad ng mga MakaPili ang nagkanolo sa mga gerilya at gamit din ang salitang "sino ba namang Pilipino ang magpapahamak sa kapakanan" ng "sintang bayan".

At sa makabagong panahon ng iba't ibang klase ng pamunuan na nagdaan ay patuloy na nagasgas ng ang mga katagang iyan. Sa pagpasa ng E-vat, oil deregulation law, privatization ng Petron at mga government owned and controlled corporations, at marami pang ibang programa ng lalo nagpahirap sa mga Pinoy sa loob at labas ng Pilipinas....gamit pa rin ang salitang "sino ba naman ang mga pinuno na magpaphamak sa kapakanan" ng "sintang bayan".

Ngayon hiyan at hiyan rin ba ang mga salitang isinasaksak sa atin ng mga pinuno natin sa ating "sintang bayan"? Mga pangakong sa bandang huli tayo pa rin ang talo at iilan lang ang mananalo? Bakit ang masakit pa nito ay mismong taga San Guilmo pa ang naka front dito? hindi naman siya ang proponent o naghain nito sa konseho (di si ba Kon. Dennis Sta. Catalina). Baka naman kaya siya ang dapat mag front dito para masabing, "O, hiyan at taga San Guilmo na konsehal na nagsasabi niyan, bakit me mga nag iingay pa"?

Ang kasaysayan ang naghuhusga sa ating kinabukasan. Hiyan rin ang mga nakita ng mga dakilang bayani natin noon na pinagdurusahan natin ngayon. Katiwalian, pagnanakaw, pagtataksil at pagsisinungaling sa taong bayan na siyang lumulunor sa atin sa kahirapan.

Mabaho ang basura, pero mas mababaho ang mga amoy ng mga pulitikong mga puro sarili lamang nila ang inuuna bago ang bayan. Mas umaalingasaw ang kasinungalingan na lumalabas sa kanilang bunganga at nakapandidiri ang panlilinlang nila gamit ang salitang "pagmamahal sa sintang bayan".

Matuto na tayo sa ating mga nakaraan at kasaysayan. Subukan balikan ang ating kasaysayan para malaman natin kung ano talaga dapat ang daan at paraan para tahakin ang mas makabuluhang bukas ng mga susunod na salinlahi. Maging mapagmatyag at malayang pumuna habang iwinawasto ang sariling pagkakamali. Huwag basta maniniwala at pag-aralan na ang mga kilos at galaw ng mga pupol na pulitiko o mga TRAPO. Ang mga trapo ay walang pinipiling edad o kasarian. Merong batang TRAPO at matandang TRAPO. Me babae at lalaking TRAPO.

Salamat sa kalayaan ng binibigay sa atin ng CYBERWORLD. Lalo ng MIT.

SERVE THE PEOPLE. SAVE THE ENVIRONMENT. HELP FIGHT GLOBAL WARMING.

juan katwiran
"pag-iinitan na naman"
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby StonyDDM on Mon Sep 08, 2008 3:40 pm

ay nako...
Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve...

reflect on this mortals!! hehe

ayan isang gabay para inyo...
arakibot ay siste..

"You can take me out of Morong
but you can't take Morong out of me!"
User avatar
StonyDDM
1st Trimester
 
Posts: 12
Joined: Fri Apr 04, 2008 3:52 pm
Location: Tiga Paglabas po!

Postby nutribunxp on Mon Sep 08, 2008 6:13 pm

StonyDDM wrote:ay nako...
Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve...

reflect on this mortals!! hehe

ayan isang gabay para inyo...

tama na sabihin na "We can't have all what we desire" pero sinababi laang yan ng mga taong mejo maayos ang buhay at hindi derektang apektado ng hirap sa buhay.maybe it's easy for "some people" to say that lines.sila yung mga taong walang karapatan na mag reklamo sa hirap ng buhay sa mundo at walang concern kundi ang sarili laang, ang mapabuti ang sariling buhay kahit yung ibang tao ay nagdurusa at magrurusa pa sa maling pamamalakad ng ng mga "pinuno".huwag rin nating kalimutan ang katagang "NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA. "...

huwag naman sanang ihalintulad ang salitang "SISTE" sa salitang "PAGPUNA" o "KOMENTO".
reflect on this MORTALS!!!!...intindihin mo muna mabuti kung bakit pinuna at hinimay himay yung mga salita bilang puna..duh!!..para ka namang hindi naniniste at namumuna ah..get real dude!!!kaw kaya ang mag reflect..

"WALANG SINUMAN ANG NABUBUHAY PARA SA SARILI LAMANG...TAYONG LAHAT AY MAY PANANAGUTAN SA ISA'T ISA"....are you familiar with this song dude?..let this song guide you..

"
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve.."--- ang lagay ba naman eh we deserve to have those corrupt politicians kahit di naman namin naiboto..ayos laang na nakawan at lokohin kami kasi we deserve it at tanggapin na lang ba namin yun..ano kami sitting duck?panoorin na lang natin at wag na tayong magreklamo kasi we deserve it naman, ganaun ba?..wag na tayong makialam sa mga nangyayari at wag na rin tayong magsalita..kasi "We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve"....hahaha, it's easy for you to say, but you don't how it feels to be in our shoes..

kung mali sa iyo ang pumuna at magkomento, kung mali sa iyo ang maging concern sa lipunan, kung ayaw mong makiaalam sa mga hindi magandang nangyayari sa bayan natin at ok sa iyo ang manahimik, so be it.huwag mo lang palabasin na kami ay naniniste laang..imulat mo nga ang mga mata mo at huwag mong gawing excuse ang :
"Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve..."

Ako/Kami ay naniniwala rin sa Diyos pero ayaw naming maging expectator(s )laang gaya mo..

"NASA DIYOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA. "...
iyan ay gabay para sa iyo...alam mo na kung sino ikaw..

I believe in God pero hindi ako epokritong tao...."Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo, yun na rin ang ginawa mo para sa Kanya."...naiintindihan mo ba?

Jesus Christ fought the wrong system during his time.hindi lang siya nanood at umaasa sa Diyos Ama.Ginawa Niya ang dapat niyang gawin habang siay's nasa lupa pa.Naimulat niya ang mga tao sa pamagitan ng Kanyang mga salita...HINDI LANG NANOOD AT PINABAYAANG MANATILI ANG MALING PAMAMALAKAD NG MGA NAGHAHARING URI...Kumilos si Jesus para sa kapakanan ng mga tao kahit kapalit pa ay buhay niya...

Ngayon kung ikaw naman ay masarap na buhay at kukuyakuyakoy na laang at malaki pa ang sweldo at maayos na pamilya at buhay eh bakit ka pa nga naman makikialam sa nangyayari sa paligir mo.sabi nga eh :

"Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve..."...and you deserve it MORTAL.Am I right?

Ito naman ang masasabi sa iyo StonyDDM

"Life can be happier and less stressful kung walang taong nagsasamantala sa kapwa niya...
Life can be happier and less stressful kung walang nagpapahirap sa kapwa tao niya...
Life can be happier and less stressful kung walang nagnanakaw...
Life can be happier and less stressful kung walang gumagawa ng krimen...
Life can be happier and less stressful kung tumutulong tayo sa mga taong nangangailangan sa abot ng ating makakaya...
Life can be happier and less stressful kung tayo ay namumuhay sa isang lugar na tahimik at malinis ang hangin...
Life can be happier and less stressful kung ang lahat ng tao ay namumuhay ng masagana...
Life can be happier and less stressful kung walang taong sariling kapakanan lamang ang iniisip..

Dude, hindi kami arakibot naniniste laang rito.Hindi kami nag aaksaya lamang ng oras namin kaka type sa keyboards namin.Hindi rin namin ginagawa ito para sumikat o ano man.eh di sana nailagay na anmin ang pangalan namin kung pag sikat lang pala.Basasihn mo na laang lahat ng mga statements namin para maintindihan mo kung bakit kami naririto hane..

"huwag naman sana nating hayaan ang Morong tratuhin na parang prostitute na nailalako para balahurain laang at gamitin laang ng mga pulitikong nagkukunwaring nagmamalasakit sa bayan yun pala'y kawatan.."

Dude, i just can't buy your excuse...let me quote you again "Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve...

reflect on this mortals!! hehe

ayan isang gabay para inyo.."

tinawag mo pa kaming "mortals" na para bang iba ka sa amin ah, anong palagay mo sa sarili mo "immortal"..wake up dude!!magpakatotoo ka nga.
nutribunxp
Gumagabay Na
 
Posts: 52
Joined: Tue Jul 29, 2008 7:59 pm

Postby nutribunxp on Mon Sep 08, 2008 6:15 pm

Postby juankatwiran on Mon Sep 08, 2008 6:58 pm

StonyDDM wrote:ay nako...
Life can be happier and less stressful if we remember one simple thought......
We can't have all what we desire ...
But GOD will give us all that we deserve...

reflect on this mortals!! hehe

ayan isang gabay para inyo...

Alam mo kung sino ka man StonyDDM, malamang isa ka sa mga tinatamaan sa mga nakasulat sa ilang mga artiluko ko. Malamang laang ha, hindi sigurado. Pasalamat ka at ngayon lang na restore ang DSL ko, hindi na sana kakalaat ang pagpapalaganap ng kamanhiran mo.

One thing for sure, you're living in a confortable live. Nakakahon sa iisang klase ng pamumuhay at nagpapaka bulag, bungi, manhid at nanlalason ng kaisipan para pigilin ang tunay nilang damdamin sa nangyayri sa lipunan.

Ito laang ang ilang mga katanungan ko sa iyo:

1. Gumigising ka ba ng maaga at umuuwi ng late ng gabi galing sa trabaho at halos hindi mo na makapiling na gising ang iyong mga mahal sa buhay?
2. Apektado ka ba ng mga karanasan ng pakikpag agawan, pila at siksikan para makasakay ng byahe papasok at papauwi?
3. Hindi ka ba ni minsan as i in ni isang beses sa buhay mo sa nangyayari sa patuloy na pagtaas ng mga gastusin sa buhay?
4. Naranasan mo na ba na makaramdam ng discrmination sa sarili mong bayan ng kapwa mo Filipino?
5. Kumikita ka ba ng P200/day?
6. Nasa Pilipinas ka pa ba?
7. Lumalabas ka pa ba ng bahay mo?
8. Hindi ka ba iprokrito?
9. Nakikita mo ba ang mga klase ng pamumuhay ng mga kapitbahay mo at kababayan mo?
10. Alam mo ba ang kasabihan na "Nasa Diyos ang Awa nasa tao ang gawa"?
11. Alam mo ba na ang pananahimik ay tanda rin ng pag-san ayon sa status quo?
12. Lahat ba ng bagay ay inaasa mo na lang sa Diyos at aantayin na lang kung ano mangyayari?
13. Alam mo ba na stressful ang buhay namin kase hindi stress free ang society namin as in namin dahil di ka kasama rito sa mundo namin?
14. Kung hindi stressful ang makaranas ng kahirapan at biktima ng corrupt na leadership e ano pa ba ang definition ng stressful para sa iyo?
15. Ikaw ba ay biktima ng kahirapan na sa sobrang kahirapan ay mas piniling magkalayo layo ang mga pamilyang Pilipino para hanapin ang greener pasture sa labas ng bansa?
16. Hindi ba stressful ang mawalan ka ng dial tone ng telepono sa halos isang taon tapos magakakautang ka pa sa PLDT?
17. Hindi ba stressful ang pumasan ka ng 12% evat sa lahat ng bilihin (maliban sa utot at hangin)?
18. Hindi ka ba na cha charge ng "systems loss" ng Meralco sa mga bagay na hindi mo naman nagamit?
19. Tama pa ba i pag pray ang mga corrupt na opisyal ng bayan kahit ang Diyos na nila ay salapi at kapangyarihan?
20. Ikaw ba ay nagbabayad ng buwis sa kinakaltas pa sa kakarampot na kita na below pa sa minimum wage?
21. Ikaw ba ay contractual employee na first day mo pa lang sa trabaho ay alam mo na kung kelan ka ulit mawawalan ng trabaho after 6months?

Lastly, sagutin mo ako rito kung ilan ilan sa mga ito ay hindi stressful sa mga taong tulad namin or mananalangin ka na lang kung ano pwede mo ipang sagot rito?

Alam mo ba na si Jesus Christ ay isa sa mga nagpasimula na baguhin ang status quo sa panahon niya laban sa mga Hudyo at mga Romano? Hindi lahat kinuha niya sa panalangin sa Diyos Ama, kundi kumilos at nagsalita rin siya at harapan na nanindigan at sabihin na siya ay Son of God. Hindi siya nanahimik lang at nanalangin.

So don't just tell us that God will give us all that we deserve because we are are just asking for a few things that we really deserve. Good governance, living wage, and to live happily with our families together again and have a decent job here in the country. We are not asking for power, fame, wealth, and government position.

So dear whoever you are, StonyDDM. I'll be waiting for you reply and not just your self-centered prayers.

JUAN KATWIRAN - nabiktima na naman ng PLDT MyDSL.

P.S..Dahil sa natatangi mo galing sa pagsulat. Malamang ma guess ka sa Super SB series. Malaki ang potential mo. Magaling. Magaling. Magaling.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby nutribunxp on Mon Sep 08, 2008 11:16 pm

hay naku JK pabayaan nalaang kaya natin siya sa "Neverland"...basta tuloy laang tayo sa ginagawa natin...hindi laang talaga maganda yung dating ng mensahe niya na parang si Padre Damaso na nangangaral.. naalala ko tuloy yung istorya tungkol prayle na nagsabing "magsipikit kayo at manalangin..eh di pikitan naman yung mga tao, habang nakapikit ang mga tao eh yung mangungulimbat na prayle naman ay ninanakawan na yung mga pobreng nagsisimba katulong yung mga walang malay na sakristan..pagmulat ng mga mata nung mga tao galing sa pananalangin ay wala na yung mga kagamitan at mga alahas nung mga tao..."
nutribunxp
Gumagabay Na
 
Posts: 52
Joined: Tue Jul 29, 2008 7:59 pm

Postby Pukinggay on Tue Sep 09, 2008 8:29 pm

:) haaaawww prinimira abaahh! ay komento nga po laang at paghahayag ng saloobin areng aming mga naipo-post rine... ay kuta't namang pagmamalinis natin kung hindi naman natin aaminin na partly or somehow eh talagang me paniniste minsan.. tiga-MORONG tayo!!! i'm sure nginingitian nyo rin ang aming mga puna or sasabihin ninyo na 'HUO NGA HANE... WALANDYA ABA, BANG-----!!!'

balansehin naman natin kung iyan ang ibig tukuyin ng iba nating miyembro - kung nagiging negatibo sa inyo ang dating ng aming mga puna, gusto naman naming marinig ang mga positibong aspeto! magkaruon tayo ng "healthy discussion" --- papakinggan naman namin kayo, yun nga laang syempre maaaring magkaruon ng mga katanungan at iyan naman ay normal sa pagpapalitan ng mga kuro2.

sa totoo lang midyo nawala ng pabahagya hayung kwentuhan sa kapihan ng mga masasayang experiences nuong araw... siste rito siste ruon! mga kaka... ay tayo nama'y magkuwintuhan ule! talagang hindi na natin maiaalis ang mga seryosong usapin dahil saksi naman talaga tayo sa mga pangyayari. Mainam na rin ito - meron tayong mga ka-berks na Andres Bonifacio, Diego Silang et.al. at marami rin naman sa atin ang Jose Rizal... respetuhan laang naman! hane hane hane po!

JK at Nutri... ayyy me nagmo-monitor ba ng BP ninyo? pineapple juice laang katapat niyan... maige't midyo maulan at me lamig na ng pabahagya riyan - libre na sa heat stroke, JOKE!!!

Cool laang... hane 8)
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby juankatwiran on Tue Sep 09, 2008 9:05 pm

Aba teka, di pa ako high blood niya. Cool na cool pa nga iyang lagay na iyan. Ang problema kase napaka generalized ng statement ni StonyDMM.

Dapat tukuyin niyang mabuti ang mga pinupuna or na i qoute niya. At para kanino. Sumali ako rito sa DG (discussion group) para maging masaya, marinig ang gusto ko sabihin, pasayahin ang mga members at the same time maging critical din naman siempre sa mga bagay-bagay. Medyo naguluhan ako sa tema ng sinasabi niya kaya hinamon ko siya na sagutin ang mga tanong ko. Pag nasagot na niya siguro maliliwanagan na ako. Ganun laang naman kasimple ang point ko.

Hindi ito isang pagmamalinis o ano pa man. Ako ay mortal din, pero me values rin ako na tinutungtungan kahit kakaunti. Pero ang mga statements ko ay nasulat hindi dahil sa pagmamalinis or pagkapikon. Wala naman bayar ang pagtatanong haneh.

Last point ko laang. Para kaseng hindi magandang tanggapin ang mga ginagawang manhid at bobo ang mga tao sa pamamagitan ng mga pambobola nila. Dapat pa ba na i tolerate ang mga ganun? Hayaan na laang ba na tayo ay hiluhin ng mga matatamis at mababango nilang salita?

Seryoso nila tayong kinakausap habang nagkakamot naman sila ng mga itlog nila.

Anyway. Idol na rin kita Pukinggay kagaya ni StonyDMM.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby Pukinggay on Tue Sep 09, 2008 9:19 pm

:o waaahhhhh!!! 'yokong sumikat JK... huwag mo na akong i-idolize hahahaha...simpleng mamamayan laang po ako! baka gaw-in mo pa akong isang karakter sa Super SB!

pero in fairness... parang masaya, si pukinggay na lang kaya ang 'love interest' ni Super SB... hahahahaha :lol:

kutakot areng si JK... feelin' bagets pa talaga... maige't ayus ang BP mo... parang ako ang malapit ng ma HB eh - Head Bald waaahhhhhh!!!!
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby nutribunxp on Tue Sep 09, 2008 9:24 pm

kaibigang JK, aking nauunawaan ang mensahe ni Pukinggay.ang kanyang tinutukoy ay si StonyDMM.mijo may point rin naman siya(Pukinggay).kapanalig natin si Pukinggay hane nga..akoy hindi naman heblod, mijo di ko laang maarok un statement ni StonyDMM.kung sabagay ay hayun nga ang kanyang opinyon ay pabayaan natin.hayaan natin na ang mga bumabasa ng ating mga sinulat ang magtimbang kung ano nga ba ang wasto..maige na rin ang ganire at ng mayruon namang kontradiksiyon..parang thesis at anti-thesis pagtapos ay magkakaroon ng synthesis..tama ba ako JK?..di ba sa dialectical materialism iyon ni karl marx?..pake korek na laang ako pag mali ako..
nutribunxp
Gumagabay Na
 
Posts: 52
Joined: Tue Jul 29, 2008 7:59 pm

Postby nutribunxp on Tue Sep 09, 2008 9:26 pm

Postby juankatwiran on Tue Sep 09, 2008 9:38 pm

Ok lang kung dialectical materialism ang rating, kaso ang point ko naman e nakabatay sa historical materialism.

What is to be done? Yan ang tanong ni Lenin.
User avatar
juankatwiran
Naglalakar Na
 
Posts: 66
Joined: Mon Aug 04, 2008 8:20 pm
Location: Spratly

Postby pandeesal on Fri Dec 05, 2008 10:29 pm

may mga tawo talagang walang pakialam sa mga ganyang bagay,,na naiaasa na lamang sa takbo ng panahon ang mga bagay na dapat na matapos at tapusin.

ay kung bakit naman may ilang "POLITIKO" na napakahilig mag salita, lumiham, mag-post ng kung anu-anong kakupalan rine. at para bang ang lahat ay balatkayo lamang. nakabubwisit ang mga ganitong liham pasasalamat raw at liham"tagumpay" na alam nman niyang hindi nangyayari dahil ang ilang nagpapatakbo ng bayan ay hindi ganuong katalino sa mga bagay na ganito. sila ang larawan ng tradisyunal na politika sa morong na wlang iba kundi ang "kwalan ng kwentang pamamalakad". tutal ay nagawa ninyong palitan ang anyo ng BASURA at BASURAHAN rine sa morong,, bakit hindi ninyo palitan rin kahit pakitang-tao lamang o kahit kunwari lamang ang STYLE ng politikang inyong inaapply rito sa bayan natin. KAHIT ILANG TAON Pa O PANAHON ANG RUMATING SA BAYAN NG MORONG,,KAPAG KAGAYA NINYO ANG NAGPAPATAKBO,,wlang pagbabagong magaganap. puro yabang..puro bibig..puro press releases na parang kayo ay celebrity. wag nyo kaming raanin sa mga liham ninyo na isinulat diumano sa malalim na tagalog (pwe) dahil hindi kmi impressed. utot lang nmin ang ganyang style ng pagsulat. hindi nyo kmi kayang talunin sa ganyan. tagalugin n laang at pag ingles ay kung anu-ano pa nasasabi ninyong kahiya-hiya! hahahahahahahaha :P :P :P

HINDI KAILANGAN NG MORONG ANG MGA BAYANI... ang kailangan natin rine ay mga kritiko at mga bantay na araw araw ay magpapa-ALALA sa mga celebrities na ito na silay parang mga patay dahil hindi kumikilos.. na ang mga taong bayan ay hindi kuntento sa pamamalakad nila sa ating bayan. kailangan ng morong ay mga puna pra malaman nila na silay nakasasawa na... :evil: :evil:
User avatar
pandeesal
Gumagabay Na
 
Posts: 60
Joined: Tue Dec 02, 2008 11:58 pm
Location: ay morong!

Postby Pukinggay on Sat Dec 06, 2008 1:16 am

:) welkam pandeesal... mainam iyang hayagang naipaparating natin ang ating mga saloobin, ba'y nakakasawa na rin hane ang makinig na laang ng makinig sa mga buladas nila!

me isang inisyatibo na konektado pa rin sa basura ang kasalukuyang kumakalat sa e-mail thread natin... suportahan natin iyon!
User avatar
Pukinggay
Kindergarten
 
Posts: 94
Joined: Fri Apr 04, 2008 9:09 pm

Postby pandeesal on Sun Dec 07, 2008 9:04 pm

ay salamat kasamang pukinggay sa iyong pag-welcome s akin rine sa ating diskurso. :)

lubhang mahabang pisi ng pasensya ang ating kakailanganin rine sa isyu ng basura sa atin hane? sapagkat ang ilan at sabihin na nating nkararami ang nagpapatay-malisya n laang sa usaping ito at hahayaan n lamang na maging huli n ang lahat bago nila maisipang makiisa sa salimbayan ng mga pagpunang ito.

masakit isipin n ang karamihan sa atin rito ay wlang pakialam sa mga pangyayaring ito sa ating lipunan. para bang sila ay isinilang sa mundo natin upang mabuhay lamang at mamatay pagdating ng takdang oras nila. sayang nman at hindi sila naging progresibo,,hindi naging mabungang puno.

sa atin kasi,,pag ika'y taong mahilig pumuna..ikaw p ang masama. kaya nman kabi-kabila ang mga katarantaduhang nangyayari rine sa atin.

para tayong testing ground ng kung anu-anong mga kamalasaduhan at kakupalang gawain db?

rine sa atin pwede ang mangotong dahil walang umaangal,

pwede ang tamarin sa serbisyo-publiko dahil wla nmang bantay sa mga politikong ito.

pwedeng gawan ng hindi maganda ang kapwa dahil hindi nman magrereklamo ang biktima.

sa tin lamang yta ako nkakakita ng mga bilanggong nsa lbas ng kulungan at pagala-gala at sila p mismo ang mga nkahambalang sa plaza at syang humihingi ng "tong" sa mga dumaraang sasakyan. namputa tlg o...

para bang tayo ay namumuhay rine ng watak-watak... kanya-kanyang diskarte sapagkat iilan lamang nman ang mga nagsasalita at nkakaramdam na kailangan n ytang umangal at magbigay ng puna.

hindi lamang sa isyu ng basura o kya ay sa paulit-ulit n style ng panunungkulan ng ilan sa mga halal na opisyal rine sa atin..

ang mga pangit na pangyayari rito sa atin ay magpapatuloy pa hanggang sa mga susunod pang taon sapagkat tyo nman ay wlang mga pakialam,,hinahayaan natin na mangyari mga ito. khit nagmimistulang sampal na ito sa ating pagiging tao at higit sa lhat ,,sa ating karapatan sa bayan nating ito..dahil tyo ang nagmamay-ari nito dahil tyo ang mga taga-MORONG. :cry: :cry:
User avatar
pandeesal
Gumagabay Na
 
Posts: 60
Joined: Tue Dec 02, 2008 11:58 pm
Location: ay morong!

Next

Return to Satire and Parodies

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron